Apr 28, 2006

The Kingdom of Loathing

Kahapon ko lang sinimulan yung paglalaro sa site na to. RPG ang dating ng game. May mga adventures and quests ka na dapat tapusin. Ok na pampalipas oras sa internet. Lalu na dun sa mga nabobored at walang magawa kagaya ko. Nasa Level 3 pa lang ako pero medyo marami-rami na ring quests ang natapos ko.

Bibigyan ka ng 40 Adventure Points bawat araw. Bawat action/adventure na gagawin ng player, magbabawas ng isang point sa adventure points. (Dagdagan nyo naman! Gawin nyong 70. Kulang ang 40. Hehehe)

Di ko pa na-explore ang buong game. Parang stick-death ang dating kasi lahat ng characters, drawing, interface at lahat ng uri ng grapix na nakapost sa site nila eh gawa sa 'stick drawing'.

Check nyo www.kingdomofloathing.com


*** UPDATE

Umuulan na naman. Summer na summer pero ang lakas ng ulan. Gusto ko nang umuwi! Mwaaaaa... tulungan nyo ako! Wala akong pera pang-taxi. Stuck in the office, I am.

No comments:

Related articles



Widget by Hoctro