May mga katanungan ba kayo? May mga bagay ba na gumagambala sa inyong mga isipan? Huwag nang malito. Itanong mo kay Jemme.
- Ano ang koneksyon ng ipis sa ulan?
- Galing ba sa baby ang baby oil?
- Bakit every friday kadalasan monggo and tindang gulay?
Noong buwan ng Abril, ginambala ni Jemme Putchir ang mga Pinoy Bloggers sa kanyang mga nakakatuwang mga entries. Sa kakaunting panahong nasa internet ang Itanong mo Kay Jemme, daang-daang tao ang napasaya nito. Kaninong tiyan ba ang hindi sumakit sa katatawa matapos basahin ang post na What is your most unforgettable experience?
Frustration ko ang maging isang singer. Gustong-gusto kong magGYM pero tamad ako kaya hanggang gusto lng ang nagagawa ko. Plano kong maging isang Astronaut at makarating sa … GERMANY?!
Si Jemme o mas lalong kilala bilang Kuya Jemme ay isang tubong Mindanao na kasalukuyang nagtratrabaho sa Metro Manila. Bata, matanda, may ipin o wala, wala siyang hinihindian na katanungan...maging sino ka man.
Nasubukan ko na ring magtanong kay Kuya Jemme.
Bakit araw ang tawag sa araw at araw ang tawag kung hindi gabi?Kahit na medyo natagalan ang pagsagot ni Kuya Jemme sa aking katanungan, nabigyan naman niya ito ng liwanag sa kanyang kasagutan. Sino ba ang hindi natuwa sa mga ala-lola basyang na kwento niya? Sa mga Jemme-Putchir-Theory-of-Un-Realities? Sa mga nakakatuwang kasagutan sa ating mga katanungan? (Heneroso, ikaw lang ba ang hindi?)
Isang nakakatuwang bagay din sa blog ni Kuya Jemme ay yung mga napaka-cute na mga smileys. Isang (o maramihang) tunay na imahe ng pagiging masayahin ni kuya jemme.
Sa kabila ng mga dagok sa buhay nating mga Pilipino, may isang taong nananatiling malakas upang bigyan tayo ng kasiyahan. Sa bawat katanungang sinasagot ni Kuya Jemme, taglay nito ang masusing pananaliksik sa mga kasagutan at kung papaano ito maihahayag sa nakakatuwang kaparaanan. Kaya Kuya Jemme, magpatuloy ka sa pagbibigay ng kasiyahan.
This blog supports Wika 2007.
This is an entry to the
You Got Blogged!
DigitalFilipino.com / MindanaoBloggers.com Review-a-Blog Competition.
Join the DigitalFilipino.com Club!
On 27 October 2007, come to Davao City for the
1st Mindanao Bloggers Summit!
6 comments:
wow naman.. i got blogged ah! hehehe salamat po batang yagit.. pasensya na po sa inyo at di ko nasasagot ang limpak limpak na katanungang naka draft parin hanggang ngayon.. T___T
salamat po ulit.. *tears of joy..*
Nakakatuwang basahin yung mga nakakagagong tanong. LOL!
may mga gagong reply din. hehehhe
ahhahaha! cool naman.. bat nga ba dko agad naisip na si jemme nga pala eh taga mindanao na pwedeng iblog. kung sabagay ang tamad ko kasi. kita mo nga't wala pa kong pang special entry sa wika. ikaw ba meron na?
eways, yeah.. si heneroso lang ata ang asar na asar sa kakulitan ni jemme. masayahin ngang bata talaga. pero, lam naman natin na puro naman sira ulo ng mga bloggers. kaya tunay naman na masaya ang ating komunidad sa blogosphere, dahil na din sa nakakahawang si jemme.
nice review!
@andianka: hahaha...wala pa po akong entry sa Wika. hehehhe.. link na lang yung contribution ko. hehehhe.. thanks po sa comments
Wins,
JUst so you know, i tagged your blog for a PR promotion. . .
http://kirbitz.blogspot.com/2007/08/jumpstart-your-pagerank.html
If you want to jumpstart your PR, please do consider joining. This is a win-win situation for us both and to our readers.
Have a nice day!
Post a Comment