Kakaiba talaga ang araw na 'to. Pero bago ko ikekwento yung mga nangyari ngayong araw na to, mas mabuti siguro na malaman nyo muna yung pinaggagawa ko pagkatapos ng dalawang araw at isang gabing pananatili sa pine city.
Noong pangalawang araw naman namin. Namasyal ng konti tas we spent most of the day on our bus seat. Nakakasakit nga sa pwet eh. Pero dumaan kami ng Luisita sa Tarlac para tingnan yung factory ng Sanyo Capacitors. Ngayon ko lang narealiz na nasa kabundukan pala matatagpuan ang mga hi-tech na facilities. Nung dumating naman kami sa Maynila, nag-check-in kami sa isang hotel malapit sa LRT station sa Buendia. Asteeg, 3-star hotel daw itong hotel na ito (Kahit na hindi ko nararamdaman yung pressence ng tatlong tala). Nasa 20th floor yung room namin. Kaso, malaking problema yung availability ng elevator. Isipin nyo, kailangan mong maghintay ng mga 15 minuto para sa dalawang minutong sakay sa elevator. Inisip ko tuloy kung titira ako sa malaking building, kailangan ko pang umalis ng maaga. Para atang jeepney ang aantayin ko. Hehehe
Kaya nung mag-umaga, 7am daw call time namin. Kaya umalis ako ng 6:50 sa room namin. Malay ko ba at aabutin ng 15 minutes yung elevator ride ko. Sa school nga namin, wala pang 3 minuto, makakasakay ka na ng elevator. So kaya ayun, late daw ang bata kaya ang kaparusahan...magpapakain ng ice cream. But na lang at hindi lang ako ang nalate. sobra ata kalahati ng grupo ang late. hehehe
After having breakfast, diretso na kami sa studio. Studio tour agad yung ginawa namin. Wala kaming nakitang artista eh pero pumasok kami sa mga studio nila. Nakita rin namin yung facilities nila. Kaya after nung tour, pinastay muna kami sa canteen kasi 11a.m. pa raw papapasukin sa loob ng wowowee studio. Tatawagin lang daw kami. Ako naman, nagplaplano na kung ano ang gagawin at saan pwepwesto. Baka ma-"Most Unforgettable Experience" pa ako dito, mahirap na.
Matapos ang paghihintay namin, pinapasok na kami ng studio. Waw. Ang haba ng pila. Akala ko ba VIP kami dito. Hehehehe. Nung makarating na kami sa pasukan, pinagkukuha na ng mga guards yung dala dala namin tubig. At di lang basta hiningi o kinuha, tinapon pa ito sa ilalim hagdan kung saan nakakalat ang marami pang mga pagkain at inumin. Bawal daw kasi sa loob ng studio. Kaso bastos yung pagkakagawa nila ng pagkuha ng pagkain. Para bang basura itong tinatapon sa sahig at kokolektahin ng mamang basurero pagkatapos kunan ng mga pagkain ang lahat ng tao. Hahay. Kaya nga ayoko ng mga lugar na to, lalo lang akong nagmumukhang yagit.
Nung malapit na kami sa studio, may mga naglilibot na mga marshalls. Etong si Manong Marshall, nakakaasar din. Una, nagtatanong siya kung taga-saan daw kami. Sabi namin Ateneo de Davao. Sinabi niya naman, "ahhh mga bisaya diay mo?" "Opo" "Anong sinakyan niyo, barko?" "Eroplano po". Ako naman, lalong nagngingitngit sa galit. Eh ano kung taga-Davao kami, di ba kami makaka-afford mag eroplano. Hirit pa ng isang kasama namin. "We could even hire our own private jets". Naalala ko tuloy yung isang kaklase ko na anak ng isang congressman at galing sa isang sikat at mamahaling skwelahan sa Maynila na lumipat ng ADDU kasi nilait siya ng kaklase nya at nagtanong ng "Do you ride carabaos in Davao". Hahay. Pero natuwa na rin ako kay Manong kasi napansin niya ang bestpren kong si Matet. Sinabi niya, "Oh, tatawagin ka ni Willie mamaya". O diba. Ok lang. Para kay Matet, magandang exposure yun. hehehe
Nung makapasok na kami sa studio, sinigurado kong hindi ko makakatabi si Matet. Mahirap ng mapansin at baka pagsayawin ako ng adududu-adadada ng wala sa oras. Naghanap rin ako ng pwesto kung saan hindi ako matatamaan ng camera kung dadaan ang camera sa side namin. Ayos. Nakapwesto ako. Maganda rin ang suot kong shirt kasi kulay pula ito at nangingitim kung walang light na tumatama. Parang sillouette lang ako sa TV.
Kaya nung magkapilian na, agad2x naming tinuro si Matet. Si Matet naman, na nakapagpractice ng ilang linggo sa pagsasayaw, eh cool na cool sa ginawa namin. Agad agad siyang bumaba para sumayaw. Sayang at hindi ko ito na-video kasi bawal gamitin ang camcorder sa loob ng studio. Pinagsayaw si matet ng adududu-adadada hahahaaay. At dahil babae sya at nagustuhan siya ni Willie (Walang malisya, promise!) kaya pinasayaw uli sya ng super sexy version. Walang pagdadalawang isip namang ginawa ito ni Matet. Halatang nakapagpractice ito ng ilang linggo. Talagang pinaghandaan niya ito. "Matet, ikaw ang BIGATIN ng Davao" Ayos! Napili yung 'bata' namin. Cheer lang kami ng Cheer. Para lalong matuwa si Willie. Sayang din ang balato pag hindi makuha si Matet.
At ang promising question, "Kung ang What sa tagalog ay ano, ano naman ang Who?" Telelelelelet! "Ahmmm, ahmmm..." sa puntong ito, nanginginig ang boses ni matet. Halatang kinakabahan sa susunod na mangyayari. "Shet" ang nasabi niya sa sarili. "Hindi ako nakapagreview". Saglit ng segundo hinanap ni matet ang kanyang sarili sa kawalan. Pinakiramdaman niya ang paligid, ang mga tao. Kabado ang pakiramdam nya, nanginginig ang malulusog nyang mga tuhod at tumutulo ang pawis mula sa kanyang KATAWAN. Sa kakaunting panahong iyon, nabuo nya uli ang kanyang sarili mula sa pagkakalugmok sa kawalan. "Sino?" "Tama ka! Sampung Libo para sa 'yo"
Ayos! May sampung libo agad. May magpapakain mamaya. Eto yung first talent fee ni Matet. Ok diba?
Read More......