Jun 16, 2007

Nag-Mall tour po kami

Waw. Ang tagal kong hindi naka-post ng blog entry. Pasensya na po at nabusy ang bata sa unang linggo ng pasukan. Pinagka-abalahan ko rin yung paglipat sa Davao HotSpots sa bago nitong address.

Noong nakaraang linggo po, noong nasa Manila pa po ako, nakitira po ako kina Kuya Jehz. Enjoy kasi mall hopping yung naging trip namin kasama si ate Yna. Ang dami naming adventures na pinagagawa.

Nothing special sa mga nangyari sa unang araw ng pag-Overstay ko sa Manila. May trabaho si Jehzeel kaya ako lang mag-isa. Papauwi na mga kaklase ko sa araw na yun. Sumama na rin ako n
ung magshopping sila sa Greenhills. Isang oras kong hinanap sila Jeff sa loob ng Greenhills. Magulo kasi ang hindi mo sila makikita not unless na magkasalubong kayo ng dinadaanan. Pagkatapos ng shopping, bago sila pupunta ng airport, sumabay na rin akong maglunch. Medyo masakit ang ulo ko kaya hindi ko gaanong na-enjoy yung pamamasyal. Pagkatapos maglunch, nag-decide akong pumunta ng SM San Lazaro para malapit sa tinitirhan ni Ate Yna at malapit lang din sa pinagtratrabahuan ni Jehzeel. Kaya sumakay ako ng LRT. Binayaran ko lang yung card pagkatapos sumakay na ako. Kung di ba naman tatanga-tanga ang Bata at maling tren ang sinakyan. Naku po! Papuntang EDSA pala yung nasakyan kong tren. Kaya tinext ko na lang si Jehz na sa halip sa San Lazaro magkikita, sa MOA na lang kasi bababa na lang ako ng Buendia.

Hindi kami nagkita ni Ate Ina kasi nasa Divisoria pa sila at nagshoshopping. Di ko rin naman alam ang sakayan papu
ntang Divisoria kaya inubos ko na lang ang aking oras sa pamamasyal sa loob ng MOA.

Nung pangalawang araw ko naman, medyo problema kasi sumakit ang tiyan ko. Medyo masama yung pakiramdam ko. Kabag ata kasi nakatutok sa akin yung dalawang electric fan. Try nyo.

Nagdecide kaming sa Gateway na lang kakain. Tinext ko na si ate Yna para makasabay siya sa amin. Para na rin mapakilala ko siya ng personal kay Jehzeel. Kasi hindi naman namin alam kung asan yung bahay nila, minabuti na naming mag-antay sa labas ng UST sa Espana kasi raw malapit lang yung bahay nila sa UST. Kulang-kulang isang oras din kaming nag-antay dun bago kami nagkita ni Ate Yna. Kaya ayun pumunt
a na kami ng Gateway. Kaso, masama pa rin yung pakiramdam ko. Wala akong ganang kumain. Medyo nahihilo ng konti, masakit ang ulo, masakit ang tiyan. Hahay! Di ko kayang ubusin yung 1-piece chicken ko.

Pagkatapos ng 'lunch' namin, dumiretso na kami ng MOA. Pareho naming gustong mag-ICE skating. Kaya ayun, diretso agad sa Ice skate rink. Na-enjoy namin yung 1 hour na skating namin. Ilang beses rin akong kamuntikang matumba. Lalo na si Jehzeel, na first time rin, kasi parating nagmamadali. Basa na nga yung pants nya nung nakaka-kalahating oras pa lang kami. Si Ate Yna naman, medyo mayabang kasi marunong na raw sya kasi second time nya nang mag-Skate sa yelo.

After ng MOA skating adventure namin, we went to glorietta para mag-snack. Sa mga oras na to, medyo ok na yung pakiramdam ko. Nawala ata yung masamang pakiramdam sa pag-ice skate ko. Whoala! Marami ang nakain kong snack. Good enough to last til dinner. Hehehe.

May ibang malls pa kaming pinuntahan. Masyadong mahaba ang araw na ito para sa amin. Ito rin yung last day na namasyal kami ni Ate Yna. Magrereview kasi sya sa Manila kaya medyo matatagalan pa bago kami magkikita. Baka sa Maynila na rin siya magtatrabaho. Umuwi kami ng bahay ng bandang 11 ng gabi. Grabe yung malling namin. 1/3 ata ng Metro Manila yung inikot namin. Mas malaki pa ang ginastos namin sa pamasahe kaysa pagkain. Sana maulit muli.

6 comments:

Anonymous said...

wahahahaha! nakakatawa naman yungsa train!

Tsaka parang ang layo ng GATEWAY sa MOA ah! tsk!

kakaiba yan! ang saya!

Batang Yagit said...

@ayie : medyo malayo nga pero nag-MRT kami kaya medyo mabilis. Hehehehe. yung tren naman, medyo nakakatuwa rin kasi nalito ako kung san yung papuntang Buendia at papuntang San Lazaro

Jehzeel Laurente said...

amf palitan mo yung picture ko na naka ice skate ang pangit!! waAAAAA!

Jehzeel Laurente said...

si ate ynzy marunong daw mag skate.. kasi nakalimutan niya na eh.. bwahahahaha!

Anonymous said...

bwhahaha ayos ah enjoy! next time sama ako sa inyo! hehehe

Jhed said...

Ice skating! Weeeeeee! LOL.

Myspace Map


Related articles



Widget by Hoctro