Showing posts with label Gawain. Show all posts
Showing posts with label Gawain. Show all posts

Dec 29, 2007

Pasko ni Batang Yagit


Kamusta naman ang pasko ni Batang Yagit?

Exciting ang turn out ng pasko ko. Hindi ko man inaasahan, mero marami-rami rin ang mga bagay na nagpasaya sa aking pasko. May mga naging realizations din ako.

  • Masaya ang charity work. Sa halip na gamitin ang pera para sa Christmas party sa mga walang kabuluhang bagay, ginamit namin ito para magpakain ng mga bata sa isang orphanage dito sa Davao. Nakakatuwang tingnan ang mga kapwa batang yagit ko na masayang kumakain ng masasarap na pagkain. Namigay rin kami ng laruan, damit ang kaunting tulong para sa ikakaginhawa ng pananatili nila sa bahay ampunan.

  • The older you get, the slimmer the chances of getting gifts. Yan yung isang realization ko. Tumatanda na nga si Batang Yagit at hindi na in-kind ang natatanggap tuwing pasko. Kung hindi cash, x-deal naman. Parang business. Pero ok lang, hindi naman ito ang talagang diwa ng pasko. Having your family around is more than enough.

  • Mahalaga ang buhay, hindi mo alam kung kelan ka mamamatay. Ang paskong ito na siguro ang pinaka-exciting sa lahat ng mga paskong nagdaan. Mantakin mong kamuntikan naming ipagdiwang ang pasko sa hospital, worst case sa morgue. Papunta kami nung araw ng pasko sa bahay ng lola ko sa Obrero para sa kaunting lunch kasama ang ibang mga kamag-anak. Nung nasa bandang intersection na kami ng Torres-Jacinto, biglang bumunggo ang taxi na sinasakyan namin sa isang malaking truck. Basag ang mga salamin, wasak ang bumper at ang ibang parte ng taxi. Sinwerte ang yagit dahil nakaupo sa likuran ng taxi at kaunting mga galos at pasa lang ang nakuha ko. Minalas naman ang Tita ko na nakaupo sa harapan ng taxi. Tumama siya sa dashboard ng taxi at hinimatay. Agad agad naman namin siyang dinala sa hospital. Mabuti na lang at negative ang mga naging results ng test niya. Ayun, gutom tuloy ang inabot namin sa hospital.

  • Magastos ang pasko. Hindi mo mamamalayang ubos na pala ang pera mo sa wallet. Kanina lang eh may daan daan at libo-libo ka pa sa wallet, pag-uwi ng bahay..ubos na. Mabuti pa sila at may Christmas bonus, si yagit wala kahit paypal donation.

  • Pwedeng gawing summer ang Pasko. Kung hindi mo feel ang cold image ng pasko, then go for a summer theme. Yun ang ginawa namin. Dalawang araw akong nasa tubig dagat. Yung una, nag-island hopping in Samal kami. Buong araw din yun ng pagbibilad sa init ng araw. Tamang-tama lang naman ang pagkakaluto ng likod ko, medyo mahapdi nga lang. Hindi gumana ang powers ni sunblock spf 45. Sa pangalawang araw, nag-SCUBA diving kami. Introduction lang. Masakit pala sa tainga. Mas masakit kaysa sa pressure sa eroplano. Pero masaya naman. First time.

  • Kailangang bigyan ng magandang gifst si Eduardo Castro. May susunod ata kay Malu Fernandez na mapanglait at mapanghusga. Nakakainit ng dugo ang naging remarks ni Eduardo Castro sa blog ng isang Manilenyo in Davao. Tawagin ba namang TH ang mga taga-Davao sa pagtatagalog. Hmp. Amfness. Bago tayo manghusga o magbigay ng kumento, sana tingnan muna natin kung tama ba yung grammar natin ng hindi magmukhang BOBO ang image nyo. Galit na ata lahat kay Eduardo Castro. Kung saan man siya ngayon sa middle east, sana dun na siya. 'Wag na sana siyang bumalik at magpakita.

Yung lang naman ang mga bagay-bagay na nangyari so far sa Pasko ko. Mamaya, kakain na naman kami kasama ang TUS para sa isang Davao Food Trip again. This time, indian food naman sa Taj Minar ang pagtritripan namin.



» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter

Batang Yagit





.

Read More......

Dec 9, 2007

Night outs with Miss Google Earth Philippines

We've been hanging out with Ate Aileen Apolo, Google Country Consultant, for the past two nights. Last night, after her talk at MSITE in NCCC Mall, we went to Fwendz Diner for Kuya Tope's IT Party. Kuya Migs, Kuya Blogie, Kuya Rodney and Kuya Jun, were among those who went with us during the night. We were also able to meet Ted Padova, an Adobe Acrobat specialist and writer, at Fwendz.

Though there were only few IT Professionals present at the venue, a lot of students from UIC and Ateneo responded Kuya Tupe's invitation. One of the highlights of the IT party was the selection of a shirt design for Silicon Gulf.

A blogger girl approached Ate Aileen and asked to take a picture with her. Sikat. Ate Aileen and Kuya Migs also made a little video on the Quesadilla Ate Aileen was eating.

After the food and talks at Fwendz diner, we went to Pops Resto Bar for the Nokia Xpress Music product launch for Nokia 5310 (I might right a review of nokia 5310 at tech-o-rati). The music and the DJ were cool. We took a few photos but never really enjoyed the party (maybe because at this time, we were already sleepy). The drinks were free. But since it's a party sponsored by Nokia, the visit was worth it.

To neutralize some of the alcohol we had, we went to Basti's Brew to have some coffee. We didn't stay long. We exchanged some photos before we left for home.


Second Night

Tonight, after I had my meeting at Cups and Lowercase, I tried to catch Kuya Blogie, Kuya Migs and Ate Aileen who were already at Studio Onnie in Torres. The night was fun. Kuya Blogie insisted that all of us should sing. I had a duet with Ate Aileen. Kuya Blogie sang his Sana'y Wala ng Wakas and Kuya Migs with his I'll Be. Kuya Andrew did not sing (KJ?).

Right after SO, we went to see the Statue of David. We only took some pictures, stayed for a while and eventually left.

Then we went to the City Hall to see the Christmas decorations and lights. One thing I noticed about Ate Aileen is her addiction with lamps. Even though how tipsy she was, she tried to capture a shot from her digital camera of the lamps in the places we've been. She seems good in what she's doing (lamp photography).



One of the lamp pictures Ate Aileen took.


» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter

Batang Yagit

Read More......

Dec 2, 2007

Anong pinagkakaabalahan ni Batang Yagit?

Mula noong umakyat kami ng mountains, wala na akong nagawang post. Medyo nagiging busy si Batang Yagit sa kanyang online at offline life. Anu-ano nga ba ang mga pinagkakaabalahan ni Batang Yagit nitong mga nakaraang araw?

Debut ni Nemia
Ito na ata ang pinaka-effort na debut na dinaluhan ko. Maraming preparations na ginawa, hindi lang ni Nemia, pati rin nga mga dumalo. Masaya kasi si Nemia, as of the latest, ang natatanging Kalasag sa batch namin na nag-debut.

Medyo cramming ang nangyari. Pagkatapos nung pag-akyat namin sa kabundukan ng Calinan, agad-agad kaming umuwi para magbihis dahil late na late na late na kami sa debut.

Buti naman at hindi agaw-pansin ang pagdating namin. In general, masaya ang debut.

Photoshoot sa Kalye
Part two ito ng photoshoot trilogy ng Kalasag. Kung noong una eh city scape pictorial ang ginawa namin, this time naman, staff pictorial sa kalye. Para san ang photoshoot na 'to? Well, yung theme ng yearbook sa taong ito ay Urban. Kaya kailangan naming kumuha ng shots ng city sa gabi. At dahil kami ang gagawa ng yearbook, dapat lang na andun din ang mga pictures namin sa yearbook.

Ginawa namin ang pictorial after ng debut ni Nemia. Hindi na kami nag-bihis. Kaunting ayos lang at ok na. Medyo tumagal hanggang umaga ang pictorial. Mga alas tres na ng umaga kami nakauwi sa aming mga bahay.

Migration ng PRC Board Exam Results
Dahil medyo hindi na kinaya ng server namin ang load ng website, napagdesisyunan naming ilipat na ito sa bagong server. Kumuha na si Kuya Blogie ng sarili niyang VPS account para dun na ihost ang PRCBER at ang iba pa niyang mga website. Medyo nagkakaroon pa ng kaunting problema ang website pero ginagawa namin ang aming makakaya para ayusin ang mga settings ng VPS.

Civil Engineer Licensure Examination Results - November 2007
Medyo matagal ko na ring inabangan ang paglabas ng results ng board exam ng Civil Engineering. Umaga't gabi, tinitingnan namin ang mga newspaper, RSS feeds at google search alerts para sa mga lalabas na results pero wala kaming nakukuha. Wala rin kaming balitang nakukuha galing PRC. Masamang-masama ang loob ng mga kumuha ng exam dahil sa naging desisyon ng PRC na pag-invalidate ng November 2007 Exam para sa Civil Engineers.

Studio pictorial for Kalasag 2008
Eto ang huling part ng Kalasag Photoshoot Trilogy. Nung Friday, pumunta kami ng studio para sa aming yearbook staff pictorial. Gusto ko yung pictorial this year. Komportable kami sa pictorial kasi kilala namin ang kumukuha ng pictures. Hindi rin kami tinitipid ni Kuya sa mga shots. Hindi kagaya nung pictorials namin last year, limited kami sa tig-tatlong shots bawat set. Ngayon, kahit ilang shots ang gusto mo, pwede. Ikaw na lang siguro ang aayaw. Mahirap ring mag-isip ng magandang pose noh.


» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter

Batang Yagit

Read More......

Nov 25, 2007

Going to the bundoks of Calinan

Yesterday, we, together with my colleagues in Kalasag, went to Calinan District to attend Kuya Ayan's thanksgiving lunch for passing the November 2007 Electronics Engineering Licensure Examination of the PRC.

Calinan is just one of the few rural districts in Davao City. It's located at the northern part of city. It's about an hour ride from the metro. We took the bus in going to Kuya Ayan's place.

We arrived at our destination just in time for lunch. After having lunch, we went to the hills. It's a few minute walk from their house. The climb up the hill reminded me of our climb in one of the hills in Camiguin during our trip there last summer.

After climbing hills, we went back downtown since we were running out of time for an engagement we are attending.

We arrived downtown around 6p.m and we're already an hour late for our 5p.m. appointment, which is Nemia's debut.


» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter

Batang Yagit

Read More......

Nov 13, 2007

Abala sa pag-aayos ng buhok

Kakarating ko lang ng bahay at buhok agad ang inatupag ko. Nagpagupit ako kanina sa mall at medyo bago ang style ng buhok ko. Medyo matagal na rin akong hindi gumagamit ng gel, wax at gum sa pag-aayos ng buhok ko. Sa loob ng dalawang taon, yung tipong suklay lang eh ayos na ayos na.

Medyo manipis ang buhok kaya nagkakaroon ako ng problema tuwing iniiklian ang haba ng buhok ko. Bumabagsak ito at mahirap ayusin. Napansin naman agad ito ng taga-gupit. Kaya nilagyan niya ng kaunting "texture" ang buhok ko. Ang ibig sabihin, may ginawa siyang hokus pokus para magmukhang makapal ang buhok ko. Pagkatapos gupitan, tinuruan niya ako kung pano ayusing ang buhok ko. Gumamit siya ng hair gum sa pag-aayos.

Pagkatapos kong magpagupit, pumunta agad ako sa Watson's para bumili ng hair gum. At dahil tig-1,100.00 pesos ang ginamit niyang hair gum sa buhok ko, at dahil wala akong balak na bumili ng ganoong kamahal ng pampaarte ng buhok, hair wax na lang ang kinuha ko.

At dahil excited, pagkagaling ko ng gym, agad-agad kong binuksan ang binili kong hair wax. Sinubukan kong ayusing ang buhok ko. Ok naman siya. Mas pangit nga lang kumpara sa ayos ng gumupit sa akin pero ok na rin. At dahil naligo ako sa gym at tuyo na ang buhok ko pagkadating ng bahay, saktong-sakto ang set-up ng buhok ko para ayusan. Kailangang magpraktis muna para hindi magkagulo ang buhay ko bukas ng umaga.

Yun lang muna sa ngayon dahil ako'y matutulog na.



» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter

Batang Yagit

Read More......

Oct 25, 2007

Bisi-bisihan ang Batang Yagit

Maraming bagay-bagay sa blogosphere ang nakakaligtaan ko at hindi ko napagtutuunan ng pansin. Bisi ako, oo, bisi ako. Kahit na sem break na eh marami pa rin akong ginagawa.

Una, kailangan kong tapusing ang aking scholarship at enrollment requirements para next semester. May isang subject ako na walang grade dahil wala akong ipinakitang exam permit sa aming teacher. Hindi ko naipasa ang aking exam permit sa subject na ito dahil nagiging makakalimutin na ako. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon eh nagfofollow-up pa rin ako. Anak ng inahin, nasa Manila si Sir at bukas na kailangan ang grade. Tinext ko na siya pero sabi niya icheck ko na lang daw muna sa Eng'g kung may grade na dun kasi may iniwan siyang kopya. Buti naman.

Pangalawa, kailangan ko ring tapusin ang iilang mga gawain sa kalasag. Malapit ko na itong matapos. Malapit na rin a deadline. Hahaha.. Bukas na nga pala ang deadline at hindi ko ito namalayan. Gagawin ko na lang siguro 'to bukas.

Pangatlo, magiging busy si Batang Yagit simula bukas ng gabi para sa Mindanao Bloggers Summit 1 sa NCCC Mall. Sikat ang summit na ito dahil pupunta si Miss Google Earth Philippines Aileen Apolo at ang iba niyang kakosang blogger sa Philippine Blogosphere. At dahil volunteer ako sa sikat summit na 'to, sikat din ako. (joke lang).

Pang-apat. Kung naaalala ninyo sa aking previous post na Blogs to See, may nilagay akong doon. Dahil malaki ang traffic na nakukuha ko mula sa mga post ko tungkol sa Exam Results lalong-lalo na ang , mas minabuti kong seryosohin ang paghahatid ng resulta sa sambayanang Pilipino. Excited na ata ang mga tao na malaman kung sino ang TOP 10 Performing Schools sa larangan ng pagtuturo. At dahil kabado ang lahat, halos araw-araw ay tinitingnan nila at hinahanap ang kasulukan-sulukang sulok ng internet. Hehehehe.

Pag-lima at panghuli. Aalis na ako ngayong Linggo. Kung saan? walang nakakaalam kundi ako lamang. Hehehehe.. Sekreto na yun para may surprise ako sa aking pagbabalik.

» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter

Batang Yagit

Read More......

Oct 17, 2007

What a Life

Medyo magulo ang week na ito. Finals na kasi at marami ang kailangang tapusin na mga gawain. Pakiramdam ko kami na lang ang pumapasok sa eskwela habang ang ibang mga Atenista ay nasa kanila-kanilang mga bahay at nag-eenjoy sa unang linggo ng semestral break.

Nasa bahay ako ng kaklase ngayon at tinatapos ang aming project sa control systems at wireless communications. Dito na kami nagpalipas ng magdamag. Kakagising ko lang at mamaya konti ay aalis na naman para bumalik sa skul.

Puro nga talaga kamalasan ang linggong ito. Pagkagising ko, nalaman kong nawawala ang aking silver bracelet. Hindi ko alam kung saan ito nahulog. Kagabi lang ay suot-suot ko pa ito. Sinubukan kong hanapin pero hindi ko ito nakita.

Kagabi, nakatanggap ako ng isang text message galing sa aking "butihing ina". Sinugod raw sa hospital ang lolo ko kaya kagabi, nagmadali agad akong pumunta ng hospital para tingnan ang kalagayan ng aking lolo. Ok naman sya. Nagkaroon lang ng kaunting problema sa kanyang paghinga. Mukha naman siyang malakas at nawala na rin ang kanyang lagnat.

Marami pang kamalasan ang nangyari sa akin na hindi na kailangang pag-usapan pa. I'm just hoping na magiging maayos na ang mga ito sa mga susunod na mga araw.









Read More......

Aug 25, 2007

Batang Yagit ranks 1 on class tardiness

Yeah, maybe not totally but I still consider it.

I missed my 8 o'clock quiz, the only quiz we have in the mid terms. Yes, I did. It was so stupid for me to forget that our teacher scheduled a special class today. It was so stupid that I did not check my calendar. It was so stupid that I forgot to set the alarm last night. Oh well, I can't do anything about that. The consequence was laid upon me this morning.

If not for Chai, I would have slept longer. I read an SMS from Chai around 9.30 a.m. That's 1.5 hours after thae quiz started and 30 minutes before it would end. It was then panic hit me. I had to cram my morning activities so I could get to school before 10am. When I arrived, I decided to ask our teacher if I could enter his 10a.m. CoE (Computer Engineering) class. I pleaded before he allowed me.

There I was, sitting at the back-most part of the computer laboratory. I was so careless in answering the first part of the test. Since it was a 'no erasure' exam, I did not have the chance to change my wrong answers. The only nice thing which happened this morning was that I was able to finish the hands-on programming task for the PIC Microcontroller. I was able to load the program to my chip on time. Most of the CoE people where not able to cause our teacher switched off the main power. I think there were only two who got the hands-on right. I'm so glad I was one of the two. (No one from the 8am class got the problem right or if they did, they did not make it on time)

So that's what happened this morning and here I am blogging late at night. I have a Kalasag activity tomorrow at 8a.m. (again???). Wake me up if you get the chance. Hehehehe.

Read More......

Aug 24, 2007

The week it was

As you may have noticed, I didn't get to post much this week. I have been busy with some things here. Thank God I still find time to make this post despite that I have to study for my quiz this morning. Mind you guys, it's a really really long quiz. Three weeks of my classmates' reports packed in a single quiz. That's quite long, isn't it.

So what was keeping me busy this week? Hmmm... a lot of things.

  • Thesis Papers. Yeah, I am graduating this March (hopeful). As for graduating students, we are required to make our thesis paper. For us engineering students, we call it Project Study. We have to come up with a prototype system that we could use to help our community. Since we are joining the 4th Smart SWEEP this year, we are obliged to make our project study relevant to this year's theme which is Going Wireless for Disaster Preparedness. We already have decided what project to make. The only problem we had was the submission of the first three chapters of the thesis paper. It's quite difficult cause we have to submit it on Tuesday and we have started doing it the day before. (We were a day late, we submitted it on the Wednesday)

  • Malaysian Friends. Seven Malaysian friends are here in Davao to do a mission for the church (Hope of God). They are here to introduce their Church to the Uni (that's how the truncate the word University) students since they see the potential from these kids. Anyway, I have been going out with them for a couple of nights now. It was fun. I enjoyed their company a lot.

  • Microcontroller Project. This one set me on a bad mood. The project was supposed to be submitted on the morning of Thursday. Until Wednesday, nobody took the initiative to make the project. So I decided to do it on the afternoon of Wednesday. I was at the Kalasag Office the whole afternoon, squeezing my brain out while I work on the program. I am not even sure if the given conditions (from our teacher) that I know were right. Since almost everyone were aware that I was working on the project, someone from our class asked for the HEX File. His statement really set my mood really bad. He could have asked for the source code if he wanted to copy. At least in that way, he has the chance of learning the code I made. Well, he did not. If that's what he wants then fine. So I decided not to share it to the class (who did not do the program), except of course to my group mates. Again, everything did not end there. One of my group mates, a trusted friend, spilled out the information that we already finished the code. And me on the other hand, not knowing what my friend told the class, said that we have not done anything yet and I am still working on it. (Denial to the MAX). I've been like this for the whole time not until that trusted friend admitted that he told the class about our code. WTF! So what's up now? Am I being presented as the antagonist of the show? ... Thursday morning, I woke up late from the stress the previous night had brought me. I was shocked when I entered the room, only to find out that my classmates were around that trusted friend's workstation cramming their way in getting a copy of the code. Ok. No need to explain. I see what's happening. I don't need to freak out. I don't need to make any wrong moves.
Hmmm...what else kept me busy for the time I was not online? Aha, I've been watching Dragon Zakura for the past week. It's a Jap Series about a lawyer who became a teacher. I guess it's similar to Gokusen. :D

Read More......

Aug 16, 2007

Nakakapagod ang araw na ito

Gaya ng sabi ko kahapon, kailangan kong gumising ng maaga para sa Pista Atenista. Akala ko late na ako sa parada, hindi pa pala kasi matagal nag-umpisa ang parade. Nasa bandang huli rin yung pwesto ng Engineering sa parada. Tumagal din ng isang oras ang kabuuan ng parada. Pagod at gutom na kami ng dumating sa school.

Kahit na nakakapagod ang mga pinaggagawa namin ngayong araw na 'to, may mga bagay naman na pwedeng gawing dahilan kung bakit maganda ang araw na ito.

  • Birthday ni Baliue

    Yeah, it's Baliue's birthday. Pumunta kami sa bahay to surprise her with our cake and gift. Hehehhe. Hindi na nga namin siya na-surprise sa office kaya we decided na puntahan na lang namin siya sa bahay nila. At least we had a taste of her mother's food.


  • Approved ang Blog to Profit ko

    Kakatanggap ko lang ng e-mail galing kay Ann ng Blot To Profit na nagsasabi na qualified na sumali sa program ang Davao WiFi HotSpots site ko. Natuwa naman ako kasi babayaran nila ako ng Php 150.00 para sa bawat post ko sa HotSpots. Salamat kay Kai.

  • Nilibre kami ng pizza ni Kuya B

    As promised, nilibre kami ng isang 18" New York's Finest na Yellow Cab pizza ni Kuya Benj kasi nagkaroon ng increase sa sweldo niya. Pumunta siya ng office kanina at tumambay. I love Yellow Cab's Pizza, promise!

  • www.batangyagit.com na ako!

    Naisipan kong panahon na para mag-level-up ang Batang Yagit blog ko, minabuti ko nang bilhin ang batangyagit.com. Naka-host pa rin ang batangyagit.com sa blogspot at gagana pa rin ang yagitnabata.blogspot.com dahil naka-redirect ito sa bago kong domain. Napansin ko rin na malaking percentage sa mga bumibisita sa blog ko ay site referrals. Kakaunti lang ang direct traffic ko. Siguro naman ngayon, mas madali nang tandaan ang URL ng blog ko.

    *** Salamat kay Jehzlau sa pagpapagamit ng CC para pambili ng domain na ito

Read More......

Aug 7, 2007

Lesson learned

Isang leksyon ang natutunan ko ngayong gabi. Huwag matutulog habang ginugupitan.

Papauwi na sana ako ng mapadaan ako sa pinapagupitan ko ng buhok. Hindi ito kalayuan sa school namin. At dahil medyo magulo ang buhok ko at mahirap ring ayusin dahil medyo humaba na ito ng konti, naisipan ko na lang na magpagupit. Bago na ang mga staff ng pinapagupitan ko. Hindi ko na nakita yung mga taong dating gumugupit sa buhok ko (o dahil siguro late na akong pumasok).

Dahil medyo pagod sa buong araw na klase, hindi ko naiwasang makatulog habang ginugupitan. Isa sa mga weakness ko (in terms of tulog) ay yung buhok ko. Madali akong nakakatulog kapag may humahawak o may humihimas sa buhok ko. O kahit anong gawin mo sa buhok ko hangga't 'di ako nasasaktan, makakatulog ako niyan. Aircon ang lugar, may palabas na news sa TV, pagod sa klase at may gumagalaw sa ulo ko...sinong hindi makakatulog diba?

Kung hindi nga naman mamalasin, sumobra ang gupit mo kuya. Mas maikli yung buhok sa inaasahan ko. Hmp. Nagulat na lang ako nang magising ako at tapos na. Ayoko ng gupit ko. Pakiramdam ko, para akong batang naubusan ng gel. Ayoko rin namang mag-gel kasi kinakain nito ang oras ko at ayoko ring may malagkit na nakalagay sa buhok ko. Ayoko rin ng hindi nagagalaw ang buhok ko kasi may habit akong mag-brush ng buhok gamit ang kanang kamay kapag wala akong ginagawa kaya hindi uubra ang gel sa akin.

Kaya sa susunod na magpapagupit kayo, wag kayong pumunta ng late para hindi kayo antukin sa pagod. At 'wag na 'wag matutulog habang ginugupitan kung ayaw n'yong mapagtripan ni kuyang manggugupit.

Read More......

Jul 29, 2007

Tambak ang gagawin ko

Kakagaling lang namin ng Baguio kagabi. Sa ngayon, medyo inaantok pa ang ilan sa amin. Pagpasensyahan nyo na at hanggang ngayon eh sabog pa ang bata kasi kinulang ng tulog. Nag-online lang ako para i-download ang mga school works ko. Hahay. Eskwela na naman pag-uwi ko ng Davao. Tatapusin ko pa ang tatlong chapters ng research paper namin. *Arggh*

Yun lang muna sa ngayon. Wala akong gana.

Read More......

May 11, 2007

Bata goes to barber

Nagpagupit po ako kanina. Matapos ang ilang buwan kong pag-iwas sa barbero, dumating ang oras na kinakailangan ko nang magpagupit. hehehe...

Nothing interesting happened on my barber experience. It's just the same as any other gupit-sessions in my life. heheheh

Tomorrow, we'd be having our Press bidding. San naman kaya gagala ang grupo ngayon? Manila, Baguio, Boracay, Camiguin...what's next? Hopefully we could find a press who could do the job sa parehong quality at halaga as that of last year. We had Midtown last year. But based on the selection trend, the organization tends to change press every year. This way, we are able to lessen the cost of the yearbook. The more the press competes among themselves to get us, the lesser the cost of the yearbook becomes. Isang advantage ng competition.

That's all for now i guess. :D

Read More......

A perfect blogging partner

Guess nyo san ako kumain? hmmm...

I had dinner at Copa Bossa in front of SM City Davao. Tuna Sandwich paired with a can of Coke. hmmm... perfect combo to while doing my blog thingy.

Mabilis yung internet connection nila. Konti lang ang tao. (kaya siguro mabilis). Tas masarap din ang food. Hehehe.. Try nyo to visit the place. Papasok sya so you won't notice the place from the outside. May naka-paskin na sign sa labas so getting lost is not a prob. Average din yung price nila.

One thing learned, pag-umiinom ng iced mocha. Mas masarap ang nasa ilalim na part kaysa ibabaw. Right kuya nites?

Related links :

Read More......

Apr 1, 2007

One boring afternoon...

Summer na naman and i'm stucked in my room na walang ginagawa. Buong hapon akong nakaupo sa kama at nakaharap sa computer. hahay. boring nga naman.

To do list :

Find a company and submit an application
I need to find a company for my OJT. I already have my application letters ready. Isusubmit na lang bukas. hehehe... wish me luck.

Learn PIC1684A
Kahit summer, i still find the need to learn. I've been reading sites in the internet about PIC microcontroller. Mabuti na to para hindi tayo mangolelat sa project study next year.

Do web worx
Tambak na naman web works ko. La pa akong nasisimulan kasi la pa akong natatanggap na materials. Waiting...

Read More......
Myspace Map