Showing posts with label Hayskul. Show all posts
Showing posts with label Hayskul. Show all posts

Sep 19, 2007

Ang kwento bago ang Batang Yagit

Noong nakaraang gabi, habang naglalakad ako sa kahabaan ng Ilustre, nakasalubong ko ang dati kong schoolmate, si Ate Divine. Ahead siya ng isang taon sa akin sa high school. Siya ang una kong naging kaibigan sa klase nila. Kung minsan, sabay kaming umuuwi kasi malapit lang naman ang bahay nila sa amin.

Noong mag-college na siya, wala na kaming naging communication. Minsan na lang din kami kung magkita. Kahit text wala rin. Graduate siya ng nursing sa isang sikat na nursing school sa Davao. Lisensyado na rin ito. Kasalukuyan siyang nagrereview para sa NCLEX. Nasabi niya rin na interisado siyang lumabas ng bansa para magtrabaho kaya siya kumukuha ng NCLEX.

Noong high school kami, bininyagan niya ako ng palayaw na "Fetus". Ito ang naging pseudo ko sa mga kaibigan at kakilala lalong lalo na sa mga ka-batch ni Ate Divine. Nagsimula ito noong high school kami. Science camp noon, facilitator ako. Ako ang pinakabata sa mga facilitator. Nasa 2nd year ata ako noon. Maliit pa at patpatin. Dahil hindi sanay sa mga puyatan na ginagawa ng mga facilitator, nakatulog ako sa railings ng gym namin. Natuwa si Ate Divine dahil sa posisyon ko habang ako ay natutulog. Para raw akong fetus. Kaya doon nagsimula ang palayaw kong fetus.

Sa ngayon, wala nang tumatawag sa akin ng Fetus. Si Milsy, na classmate ko ngayon at classmate ko noong hayskul, na lang ata ang tanging nagpapaalala na minsan akong tinawag na "Fetus" sa aking buhay.








» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter

Batang Yagit

Read More......

May 24, 2007

Happy birthday sa mga may birthday

amazing talaga tong feature ng google calendar. akalain mo pwede ka na nilang itext kung may appointments ka. libre pa. kaya nga kahapon, dalawang text nareceive ko galing kay mr.google. isa para sa birthday ni macoy at isa keh jaqi.

si jaqi ang pag-usapan natin. naaalala ko pa noong unang birthday ni jacky na present ako. hulaan nyo san? heehehe.. sa loob ng kweba. sayang wala na akong picture na pruweba. pero sa loob ng kweba sya nagcelebrate ng kanyang kaarawan. nagkaroon ng surprise party sa kailaliman ng madilim na kweba. at may cake pa. si jacky talaga, ahit di sinasadya, kaweirdohan ang pinaggagawa. hehehehe

kaya sayo miss undaunted, pwindang, volunteer of the month, jacky, hapi bertdey

Read More......

May 19, 2007

Steroid rumor...

Wow ang saya! Maraming pumunta kagabi....kumpara sa mga nakaraang mga summer reunion namin. Ok na rin sya. Salamat nga pala kina joan sa pag-organize ng gathering na yun. Kahit walang tulugan, enjoy pa rin. Pool party ata to. hehehe. Pero higit sa lahat.... gaya ng inaasahan sa mga reunion at gatherings....may mga balita at mga surpresa na nakalaan. Sinong bf ni ewan? Si ewan may anak na raw. Buntis nga ba si kung sino...

Eto ang ilan sa mga nalaman ko kagabi (Chismis?)

  1. Si ________ ay kinasal na at ngayon ay buntis sa kanyang first baby.
  2. Kinasal na rin si ________ at sosyal ang reception kasi sa Las Terracas ito ginanap.
  3. May Batang gumagamit ng steroids para lumaki ang katawan (huh? ano raw? )
  4. Si Bofi ang naging center of attraction ng gabi kasi maraming nag-admit na sila ay may-crush sa kanya nung hayskul
  5. May binuong grupo ang mga babae namin sa klase na may crush kay Bofi at tinawag nila itong Cloud9 (ewan kung san nila nakuha ang pangalang to)
  6. Si ________ ay babae pala kasi ngayon ay may boypren na sya.
  7. Si _______ at si _______ ay may crush pa rin kay Bofi.
  8. Si Bofi ay kasalukuyang nililigawan si _______???
  9. Si Ady ay pupunta ng Maynila para magtrabaho at aalis sya ngayong linggo.
  10. Si Joyce ay bahista ng isang banda. (hindi ko alam to ah!)
Marami pa yan kaso nakakatamad isulat tas yung iba nakalimutan ko na.

Tama bang pagbintangan akong gumagamit ng steroids? Hindi ko nga alam kung ano yan eh.

Related links:

Read More......

May 18, 2007

Bata meets his friends...

Grumaduate na sila. Ako hindi pa. Hayaan nyo next year graraduate rin ako. At kasi nga naman nagsipagtapos na sila, susunod na dyan yung mga reunion, "get-togethers", kapehan, inuman, sinehan at kung anu ano pa.

Me nagtext sa akin kanina. Magkikita raw. Overnight. At may bayad pa. Eto na nga ako na may trabaho, walang sweldo, di nakapagtapos, walang allowance ay sisingilin nila ng bayad para sa pagtitipon ng mga grumaduate. Dapat sila na ang gagastos tutal sila naman yung nagsipagtapos. Anywhoo, mag-aawt ako ng maaga ngayon. Pumayag naman si Kuya D. Sa Monday na lang daw namin ipagpapatuloy yung trabaho. Ayan ha..na-compromise pa trabaho ko sa inyo. Sana naman sulit yung ibabayad ko mamaya.

Read More......
Myspace Map