Jul 25, 2007

Pilipik

Nagstustudy? Oo naman. Pero nitong isang araw, sa klase namin sa isang major subject, tinanong kami ng prof namin kung bakit daw "pilipik" at hindi "b-g-t" ang ginagamit para sa design ng pre-emphasis network ng FM transmitter.

Huh? Ngayon ko pa lang narinig yun ah. Tinanong ko ang kaklase ko kung na-lesson ba namin sa electronics 2 ang sinasabi niyang "pilipik". Ngayon ko pa lang kasi narinig yun. Baka absent ako nung maglesson si Sir sa topic na yan. Hindi niya rin alam.

Sabi ng teacher namin sa Philo, to question is a form of rupture kasi babalik ka sa sarili mo kung hindi mo naiintindihan ang mga bagay-bagay. "Bubu ba aku (expression ni Cris at Andie) ??". Ewan ko nga, wala akong nalalaman sa mga "pilipik" na yan.

Nabulantana ang buong klase. Nagkagulo. Maingay. Maraming nagsasalita ng sabay-sabay. Hindi lang pala ako ang 'bubu'. Hindi rin nila alam kung ano ang "pilipik". Buti na lang at hindi ako nag-iisa. Mwahahaha!

"Sir, ano ho ba talaga yang pilipik na sinasabi niyo?"

"Pilipik ba, pild epik transistor. Kanang peet."

"Ahhh... Field Effect. Oooookkkk... (sarcasm ends here)"

Yun naman pala eh. FET lang naman pala eh.



P.S. Baka magalit si Sir. Tinulugan ko lang ang first meeting namin kasi mainit pa ang room namin nun at hindi rin ako interisado sa mga pinagsasabi niya. Kung ano yung pinagsasabi niya, di ko muna ikekwento kasi mahirap na. Malayo pa ang Marso.

4 comments:

p said...

lolz! funny post...

Mariel said...

kuya wins! ilsea to. came across your blog. tagal na pala nito. :)

kalingaw pud sa inyong sir. hahaha. dugay-dugay na pud ko wala ka-teacher ug ing-ana. kanang "pilipik" pud ang style.

hala. baka blogger din yung sir mo, mabasa pa to. :)

fc kaayo ko. i'll link you ha. :)

Anonymous said...

dadaan din kami dyan!

Anonymous said...

Wins (FC AKO!), baka kapatid siya nung 1st yr HS Technology teacher ko na nag explain ng different kinds of "jowents"... yung gaya sa pinto... sa corners... JOINTS!!! HAHA!

Myspace Map


Related articles



Widget by Hoctro