May 31, 2007

Bobo bibo... pagkakamaling pinoy


Si Manong na nasa kabilang kalye.

Papunta kaming airport ng madaanan namin ang eksenang ito sa kahabaan ng traffic malapit sa ParaƱaque. Naagaw ang aming atensyon sa sign na nakapaskin sa mala-rehas na divider sa tabi ng bangketa.
BAWAL ANG TAO DITO
Ha? Anu raw? Mapicturan nga. Hmp. Ewan kung ano ang ibig sabihin ng karatulang iyon. Bat ka magpapaskin ng isang karatulang nagsasabing bawal ang tao dito sa isang lugar kung saan marami ang dumadaang tao. Bawal din ba sa lugar na yan ang mga sasakyang may lamang tao? O di kaya, hayop na ang tingin nga mga taga-MMDA sa mga tao sa Metro Manila?

Manong MMDA? Paliwanagan nyo po kami.

6 comments:

Jehzeel Laurente said...

hindi po siya tao! bwahahahaha! daanan yan ng hayop wins.. kaya bawal ang tao! hehe

Anonymous said...

hahahahaha.. di naman bobo.. matigas lang talaga ang ulo ng mga pinoy.. kung ano ang bawal yun ang ginagawa...

kasi..

masarap gawin ang bawal ^__^

Batang Yagit said...

Kuya jemme, di rin po ba na pagkakamali yan ng mga taong gumawa ng karatulang yan. Bakit naman nila ipagbabawal ang tao sa lugar na yan. Di kaya yung ibig nilang sabihin eh 'bawal tumawid sa parteng ito' o di kaya 'bawal maglakad sa labas ng rehas na to'.

Anonymous said...

hindi yan pagkaka mali ng gumawa... talaga bawal talaga ang tao dyan.. nyahahahahaha!

mali lang ata nalagyan... dapat sa gitna ng kalsada nilagay yung karatula ^__^ heehee

Anonymous said...

hehehe, funny talaga si mr. bayani fernando.

"bawal ang tao dito" ha, eh ano kaya ang pwede?

cha said...

huwaw, huwatta a sign.

bakit kaya pink? yun ang pinakanakapagtataka sa lahat

Myspace Map


Related articles



Widget by Hoctro