May 19, 2007

Steroid rumor...

Wow ang saya! Maraming pumunta kagabi....kumpara sa mga nakaraang mga summer reunion namin. Ok na rin sya. Salamat nga pala kina joan sa pag-organize ng gathering na yun. Kahit walang tulugan, enjoy pa rin. Pool party ata to. hehehe. Pero higit sa lahat.... gaya ng inaasahan sa mga reunion at gatherings....may mga balita at mga surpresa na nakalaan. Sinong bf ni ewan? Si ewan may anak na raw. Buntis nga ba si kung sino...

Eto ang ilan sa mga nalaman ko kagabi (Chismis?)

  1. Si ________ ay kinasal na at ngayon ay buntis sa kanyang first baby.
  2. Kinasal na rin si ________ at sosyal ang reception kasi sa Las Terracas ito ginanap.
  3. May Batang gumagamit ng steroids para lumaki ang katawan (huh? ano raw? )
  4. Si Bofi ang naging center of attraction ng gabi kasi maraming nag-admit na sila ay may-crush sa kanya nung hayskul
  5. May binuong grupo ang mga babae namin sa klase na may crush kay Bofi at tinawag nila itong Cloud9 (ewan kung san nila nakuha ang pangalang to)
  6. Si ________ ay babae pala kasi ngayon ay may boypren na sya.
  7. Si _______ at si _______ ay may crush pa rin kay Bofi.
  8. Si Bofi ay kasalukuyang nililigawan si _______???
  9. Si Ady ay pupunta ng Maynila para magtrabaho at aalis sya ngayong linggo.
  10. Si Joyce ay bahista ng isang banda. (hindi ko alam to ah!)
Marami pa yan kaso nakakatamad isulat tas yung iba nakalimutan ko na.

Tama bang pagbintangan akong gumagamit ng steroids? Hindi ko nga alam kung ano yan eh.

Related links:

No comments:

Related articles



Widget by Hoctro