Mula noong umakyat kami ng mountains, wala na akong nagawang post. Medyo nagiging busy si Batang Yagit sa kanyang online at offline life. Anu-ano nga ba ang mga pinagkakaabalahan ni Batang Yagit nitong mga nakaraang araw?
Debut ni Nemia
Ito na ata ang pinaka-effort na debut na dinaluhan ko. Maraming preparations na ginawa, hindi lang ni Nemia, pati rin nga mga dumalo. Masaya kasi si Nemia, as of the latest, ang natatanging Kalasag sa batch namin na nag-debut.
Medyo cramming ang nangyari. Pagkatapos nung pag-akyat namin sa kabundukan ng Calinan, agad-agad kaming umuwi para magbihis dahil late na late na late na kami sa debut.
Buti naman at hindi agaw-pansin ang pagdating namin. In general, masaya ang debut.
Photoshoot sa Kalye
Part two ito ng photoshoot trilogy ng Kalasag. Kung noong una eh city scape pictorial ang ginawa namin, this time naman, staff pictorial sa kalye. Para san ang photoshoot na 'to? Well, yung theme ng yearbook sa taong ito ay Urban. Kaya kailangan naming kumuha ng shots ng city sa gabi. At dahil kami ang gagawa ng yearbook, dapat lang na andun din ang mga pictures namin sa yearbook.
Ginawa namin ang pictorial after ng debut ni Nemia. Hindi na kami nag-bihis. Kaunting ayos lang at ok na. Medyo tumagal hanggang umaga ang pictorial. Mga alas tres na ng umaga kami nakauwi sa aming mga bahay.
Migration ng PRC Board Exam Results
Dahil medyo hindi na kinaya ng server namin ang load ng website, napagdesisyunan naming ilipat na ito sa bagong server. Kumuha na si Kuya Blogie ng sarili niyang VPS account para dun na ihost ang PRCBER at ang iba pa niyang mga website. Medyo nagkakaroon pa ng kaunting problema ang website pero ginagawa namin ang aming makakaya para ayusin ang mga settings ng VPS.
Civil Engineer Licensure Examination Results - November 2007
Medyo matagal ko na ring inabangan ang paglabas ng results ng board exam ng Civil Engineering. Umaga't gabi, tinitingnan namin ang mga newspaper, RSS feeds at google search alerts para sa mga lalabas na results pero wala kaming nakukuha. Wala rin kaming balitang nakukuha galing PRC. Masamang-masama ang loob ng mga kumuha ng exam dahil sa naging desisyon ng PRC na pag-invalidate ng November 2007 Exam para sa Civil Engineers.
Studio pictorial for Kalasag 2008
Eto ang huling part ng Kalasag Photoshoot Trilogy. Nung Friday, pumunta kami ng studio para sa aming yearbook staff pictorial. Gusto ko yung pictorial this year. Komportable kami sa pictorial kasi kilala namin ang kumukuha ng pictures. Hindi rin kami tinitipid ni Kuya sa mga shots. Hindi kagaya nung pictorials namin last year, limited kami sa tig-tatlong shots bawat set. Ngayon, kahit ilang shots ang gusto mo, pwede. Ikaw na lang siguro ang aayaw. Mahirap ring mag-isip ng magandang pose noh.
» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter
Batang Yagit
Aspire 8930G
Dec 2, 2007
Anong pinagkakaabalahan ni Batang Yagit?
niyari ng
Batang Yagit
noong
12/02/2007 04:44:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Latest PRC Board Exam Results
- August 2007 Licensure Examination for Teachers Results
- December 2007 Nursing Board Exam Results (NLE)
- November 2007 Chemical Engineering Board Exam Results
- November 2007 Civil Engineering Board Exam Results
- November 2007 Electronics Engineer Licensure Examination Results
- October 2007 Criminologist Licensure Examination Results
4 comments:
wow talaga ang prcboardexamresults.com nyo... sobrang hanga na talaga ako!!! as of today 3000 readers via feedburner and 2500++ sms subscription... tapos ang entry about the invalidation of engineering exams created such a havoc and discussions and comments are sobrang dami.. grabe... congrats talaga sa inyo ni jehz at dabawenyo!
whehehhe... kami nga rin eh nashock. anyway, thanks sa greeting. hehehe
artista ang dating sa mga pix ah.. heheh
http://pc.batangyagit.com
artista ang dating sa mga pix ah.. heheh
http://pc.batangyagit.com
Post a Comment