Kamusta naman ang pasko ni Batang Yagit?
Exciting ang turn out ng pasko ko. Hindi ko man inaasahan, mero marami-rami rin ang mga bagay na nagpasaya sa aking pasko. May mga naging realizations din ako.
- Masaya ang charity work. Sa halip na gamitin ang pera para sa Christmas party sa mga walang kabuluhang bagay, ginamit namin ito para magpakain ng mga bata sa isang orphanage dito sa Davao. Nakakatuwang tingnan ang mga kapwa batang yagit ko na masayang kumakain ng masasarap na pagkain. Namigay rin kami ng laruan, damit ang kaunting tulong para sa ikakaginhawa ng pananatili nila sa bahay ampunan.
- The older you get, the slimmer the chances of getting gifts. Yan yung isang realization ko. Tumatanda na nga si Batang Yagit at hindi na in-kind ang natatanggap tuwing pasko. Kung hindi cash, x-deal naman. Parang business. Pero ok lang, hindi naman ito ang talagang diwa ng pasko. Having your family around is more than enough.
- Mahalaga ang buhay, hindi mo alam kung kelan ka mamamatay. Ang paskong ito na siguro ang pinaka-exciting sa lahat ng mga paskong nagdaan. Mantakin mong kamuntikan naming ipagdiwang ang pasko sa hospital, worst case sa morgue. Papunta kami nung araw ng pasko sa bahay ng lola ko sa Obrero para sa kaunting lunch kasama ang ibang mga kamag-anak. Nung nasa bandang intersection na kami ng Torres-Jacinto, biglang bumunggo ang taxi na sinasakyan namin sa isang malaking truck. Basag ang mga salamin, wasak ang bumper at ang ibang parte ng taxi. Sinwerte ang yagit dahil nakaupo sa likuran ng taxi at kaunting mga galos at pasa lang ang nakuha ko. Minalas naman ang Tita ko na nakaupo sa harapan ng taxi. Tumama siya sa dashboard ng taxi at hinimatay. Agad agad naman namin siyang dinala sa hospital. Mabuti na lang at negative ang mga naging results ng test niya. Ayun, gutom tuloy ang inabot namin sa hospital.
- Magastos ang pasko. Hindi mo mamamalayang ubos na pala ang pera mo sa wallet. Kanina lang eh may daan daan at libo-libo ka pa sa wallet, pag-uwi ng bahay..ubos na. Mabuti pa sila at may Christmas bonus, si yagit wala kahit paypal donation.
- Pwedeng gawing summer ang Pasko. Kung hindi mo feel ang cold image ng pasko, then go for a summer theme. Yun ang ginawa namin. Dalawang araw akong nasa tubig dagat. Yung una, nag-island hopping in Samal kami. Buong araw din yun ng pagbibilad sa init ng araw. Tamang-tama lang naman ang pagkakaluto ng likod ko, medyo mahapdi nga lang. Hindi gumana ang powers ni sunblock spf 45. Sa pangalawang araw, nag-SCUBA diving kami. Introduction lang. Masakit pala sa tainga. Mas masakit kaysa sa pressure sa eroplano. Pero masaya naman. First time.
- Kailangang bigyan ng magandang gifst si Eduardo Castro. May susunod ata kay Malu Fernandez na mapanglait at mapanghusga. Nakakainit ng dugo ang naging remarks ni Eduardo Castro sa blog ng isang Manilenyo in Davao. Tawagin ba namang TH ang mga taga-Davao sa pagtatagalog. Hmp. Amfness. Bago tayo manghusga o magbigay ng kumento, sana tingnan muna natin kung tama ba yung grammar natin ng hindi magmukhang BOBO ang image nyo. Galit na ata lahat kay Eduardo Castro. Kung saan man siya ngayon sa middle east, sana dun na siya. 'Wag na sana siyang bumalik at magpakita.
Yung lang naman ang mga bagay-bagay na nangyari so far sa Pasko ko. Mamaya, kakain na naman kami kasama ang TUS para sa isang Davao Food Trip again. This time, indian food naman sa Taj Minar ang pagtritripan namin.
» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter
Batang Yagit
.
3 comments:
Tama si Andrew....dapat "BatangSosyal" he he he mas appropriate he he he joke lang.
BTW...i already got your Starbucks planner.....sosyal jud ka....he he he
ey, i've something for you at http://myconsolingasylum.blogspot.com/2007/12/ways-to-make-you-smile-this-new-year.html
Post a Comment