Oct 25, 2007

Bisi-bisihan ang Batang Yagit

Maraming bagay-bagay sa blogosphere ang nakakaligtaan ko at hindi ko napagtutuunan ng pansin. Bisi ako, oo, bisi ako. Kahit na sem break na eh marami pa rin akong ginagawa.

Una, kailangan kong tapusing ang aking scholarship at enrollment requirements para next semester. May isang subject ako na walang grade dahil wala akong ipinakitang exam permit sa aming teacher. Hindi ko naipasa ang aking exam permit sa subject na ito dahil nagiging makakalimutin na ako. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon eh nagfofollow-up pa rin ako. Anak ng inahin, nasa Manila si Sir at bukas na kailangan ang grade. Tinext ko na siya pero sabi niya icheck ko na lang daw muna sa Eng'g kung may grade na dun kasi may iniwan siyang kopya. Buti naman.

Pangalawa, kailangan ko ring tapusin ang iilang mga gawain sa kalasag. Malapit ko na itong matapos. Malapit na rin a deadline. Hahaha.. Bukas na nga pala ang deadline at hindi ko ito namalayan. Gagawin ko na lang siguro 'to bukas.

Pangatlo, magiging busy si Batang Yagit simula bukas ng gabi para sa Mindanao Bloggers Summit 1 sa NCCC Mall. Sikat ang summit na ito dahil pupunta si Miss Google Earth Philippines Aileen Apolo at ang iba niyang kakosang blogger sa Philippine Blogosphere. At dahil volunteer ako sa sikat summit na 'to, sikat din ako. (joke lang).

Pang-apat. Kung naaalala ninyo sa aking previous post na Blogs to See, may nilagay akong doon. Dahil malaki ang traffic na nakukuha ko mula sa mga post ko tungkol sa Exam Results lalong-lalo na ang , mas minabuti kong seryosohin ang paghahatid ng resulta sa sambayanang Pilipino. Excited na ata ang mga tao na malaman kung sino ang TOP 10 Performing Schools sa larangan ng pagtuturo. At dahil kabado ang lahat, halos araw-araw ay tinitingnan nila at hinahanap ang kasulukan-sulukang sulok ng internet. Hehehehe.

Pag-lima at panghuli. Aalis na ako ngayong Linggo. Kung saan? walang nakakaalam kundi ako lamang. Hehehehe.. Sekreto na yun para may surprise ako sa aking pagbabalik.

» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter

Batang Yagit

No comments:

Related articles



Widget by Hoctro