Medyo magulo ang week na ito. Finals na kasi at marami ang kailangang tapusin na mga gawain. Pakiramdam ko kami na lang ang pumapasok sa eskwela habang ang ibang mga Atenista ay nasa kanila-kanilang mga bahay at nag-eenjoy sa unang linggo ng semestral break.
Nasa bahay ako ng kaklase ngayon at tinatapos ang aming project sa control systems at wireless communications. Dito na kami nagpalipas ng magdamag. Kakagising ko lang at mamaya konti ay aalis na naman para bumalik sa skul.
Puro nga talaga kamalasan ang linggong ito. Pagkagising ko, nalaman kong nawawala ang aking silver bracelet. Hindi ko alam kung saan ito nahulog. Kagabi lang ay suot-suot ko pa ito. Sinubukan kong hanapin pero hindi ko ito nakita.
Kagabi, nakatanggap ako ng isang text message galing sa aking "butihing ina". Sinugod raw sa hospital ang lolo ko kaya kagabi, nagmadali agad akong pumunta ng hospital para tingnan ang kalagayan ng aking lolo. Ok naman sya. Nagkaroon lang ng kaunting problema sa kanyang paghinga. Mukha naman siyang malakas at nawala na rin ang kanyang lagnat.
Marami pang kamalasan ang nangyari sa akin na hindi na kailangang pag-usapan pa. I'm just hoping na magiging maayos na ang mga ito sa mga susunod na mga araw.
Aspire 8930G
Oct 17, 2007
What a Life
niyari ng
Batang Yagit
noong
10/17/2007 06:45:00 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Latest PRC Board Exam Results
- August 2007 Licensure Examination for Teachers Results
- December 2007 Nursing Board Exam Results (NLE)
- November 2007 Chemical Engineering Board Exam Results
- November 2007 Civil Engineering Board Exam Results
- November 2007 Electronics Engineer Licensure Examination Results
- October 2007 Criminologist Licensure Examination Results
No comments:
Post a Comment