Free WiFi kahit saan. Isa ito sa maraming dahilan kung bakit gusto ko ang Davao. Kahit saan ka ata pumunta, may makikita kang hotspot na libre. Hindi lang coffee shops at hotels ang may hotspots dito. Pati fast food chains, malls, at school meron din. Kulang na lang pati mga public transport eh magpapa-wifi na rin.
Nasa isang Chowking branch ako dito sa Bolton Street. Habang naghihintay ng order ko, minabuti ko munang mag-login at mag-blog. Natuwa lang ako na kahit sa mga fast food chain na ito, libre ang wifi. Marahil kakaunti pa lang ang mga taong nakakaalam na hotspot ang Chowking dito sa Bolton (alam ko, WiFi rin ang Chowking sa Bajada).
Kayo, may alam pa ba kayong libreng hotspot dito sa Davao? Ngayong taon lang na ito, ni-launch namin ang Davao HotSpots dot Com kung saan naka-lista ang iba't-ibang WiFi HotSpots dito sa Davao. Kakaunti pa lang ang naipasok ko sa listahan. Hindi ko pa napagtutuunan ng pansin ang pag-update na site. So kung may alam kayong hotspot na wala pa sa listahan ko, magcomment na. Hehehehe.
Aspire 8930G
Aug 6, 2007
Blogging sa Chowking
niyari ng
Batang Yagit
noong
8/06/2007 09:57:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Latest PRC Board Exam Results
- August 2007 Licensure Examination for Teachers Results
- December 2007 Nursing Board Exam Results (NLE)
- November 2007 Chemical Engineering Board Exam Results
- November 2007 Civil Engineering Board Exam Results
- November 2007 Electronics Engineer Licensure Examination Results
- October 2007 Criminologist Licensure Examination Results
3 comments:
wow naman.. buti pa chowking free. mcdo may bayad.. hehehe :P
yan may bagong entry ulit sa davao hot spots.. weeeeee!
i never heard of that. glad you've mentioned it.. galing noh. libre.. there are really some good things in life you can get for free.
filipina din ako.. glad marami na tayong pinoy bloggers.
actually kahit dito sa legazpi, meron na rin wifi ang chowking.. siguro pakana nila yun throughout the philippines. galing nga eh! buti pa jan sa inyo madaming hot spots. dito, dalawa pa lang nakikita ko.
Post a Comment