Isa na naman ito sa mga pagkakataong wala akong mahilang tao para yayaing sumamang magsine. Kaya wala akong choice kundi manood ng sine ng mag-isa. At dahil may malapit na mall sa amin, pinili kong dito na lang panoorin ang Ratatouille.
Not anyone can become a great artist but a great artist can come from anyone.Yan yung paboritong linya ko. Hindi ko ugali ang magmemorize ng mga movie lines (hindi kagaya ni Jehzeel na nagmememorize habang nanonood) pero pakiramdam ko kailangan kong i-note ang linyang yan. Oo nga naman, lahat naman tayo ay nabibigyan ng pagkakataong maging "great". Nasa atin na yun kung pano natin haharapin ang ating buhay. Ang pagiging dakila ay walang pinipiling tao. Tao mismo ang pipili kung nanaisin niyang maging dakila o hindi.
Fan pa rin ako ng mga Pixar movies. Halos lahat ata ng Pixar movies ay inabangan at pinanood ko. Hindi lang sila magaling sa graphics, maging sa story rin.
5 comments:
This movie is one of the best from Pixar for me. Because of it I was inspired to create my own version of tuna spaghetti.. Lol! And it was delicious! Indeed, anyone can cook!
@andrew: hahaha...sabi nga nila sa movie, "Anyone can cook". Hehehe.. i'll try that later.
waaa.. pareha mi ni Jehz.. magmemorize din pagnagWatch ng movie.. wakokokok!
Parang ang hirap ata mag iwan ng comment in tagalog :-) pd bisaya nalang (lol). Neway, I have been looking forward to watch the movie with my son because simply its a "cartoon" pero based on your post, I think my son would be able to get insights and values by watching the movie. Will make a post about Ratatouille in my blog as soon as I have watched it.
hahahah! kaw din kaya nag mememorize! amf!!! aminin :P
Post a Comment