Gabi na nung dumating ako sa bahay. Nagbihis muna ako bago nag-login sa YM. Hmmm... parang weird na halos lahat ng contacts ko sa YM ay naka Busy status. Kaya nakisabay na rin ako sa status nila.
Para sa karamihan, ang Sunday ang rest day. Sunday rin ang family day. At para dun sa mga nag-aaral dito sa lungsod nagdodorm lang, Sunday ang araw ng malling at lakwatsa. Sunday rin ang araw ng full-time pag-aaral kung nerd ka.
Ano nga ba ang mga pinagggagawa ko ngayong araw na 'to? Nung mag-login na ako sa YM, nasabi kong hindi lang pala ako ang busy sa araw na 'to. Medyo naging mabigat ang araw na 'to para sa akin dahil sa buong araw naming meeting sa Kalasag. Ginawa namin ang yearbook planning pati na rin ang pagpaplano ng mga gagawin sa Kalasag Reunion at Awitenista 2008.
Masaya pa rin ako sa kabila ng pagiging pagod buong araw. Natapos namin ang aming pagpaplano. Marami ring mga bagay-bagay na napag-usapan sa meeting.
Sa mga darating na araw, mas magiging busy kami aside sa fiesta ng Ateneo, may sasalihan rin kaming photo contest. Ito ay ang 1st Kadayawan Photo Contest ng Canon Philippines. Napadaan kasi si Sir Bong kanina at sinabi sa amin ang tungkol sa contest na 'to. Sayang rin yung EOS 400D na mapapanalunan ng makakakuha ng unang gantimpala. Gagawa pa ako ng mix ng tugtog na gagamitin ni Amethyst sa kanilang sayaw ngayong darating na fiesta sa Ateneo. Ihahanda ko pa yung mga boxes na gagamitin sa gagawing Horror House ng Engineering at ang music na gagamiting effects para dito. Tuturuan ko rin ang mga Kalasag Staff ngayong week na 'to para sa mga basics at features ng Adobe Photoshop CS2.
Whewww. Sana wala na lang busy.
Aspire 8930G
Aug 13, 2007
Busy kami
niyari ng
Batang Yagit
noong
8/13/2007 12:13:00 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Latest PRC Board Exam Results
- August 2007 Licensure Examination for Teachers Results
- December 2007 Nursing Board Exam Results (NLE)
- November 2007 Chemical Engineering Board Exam Results
- November 2007 Civil Engineering Board Exam Results
- November 2007 Electronics Engineer Licensure Examination Results
- October 2007 Criminologist Licensure Examination Results
No comments:
Post a Comment