Aug 16, 2007

Nakakapagod ang araw na ito

Gaya ng sabi ko kahapon, kailangan kong gumising ng maaga para sa Pista Atenista. Akala ko late na ako sa parada, hindi pa pala kasi matagal nag-umpisa ang parade. Nasa bandang huli rin yung pwesto ng Engineering sa parada. Tumagal din ng isang oras ang kabuuan ng parada. Pagod at gutom na kami ng dumating sa school.

Kahit na nakakapagod ang mga pinaggagawa namin ngayong araw na 'to, may mga bagay naman na pwedeng gawing dahilan kung bakit maganda ang araw na ito.

  • Birthday ni Baliue

    Yeah, it's Baliue's birthday. Pumunta kami sa bahay to surprise her with our cake and gift. Hehehhe. Hindi na nga namin siya na-surprise sa office kaya we decided na puntahan na lang namin siya sa bahay nila. At least we had a taste of her mother's food.


  • Approved ang Blog to Profit ko

    Kakatanggap ko lang ng e-mail galing kay Ann ng Blot To Profit na nagsasabi na qualified na sumali sa program ang Davao WiFi HotSpots site ko. Natuwa naman ako kasi babayaran nila ako ng Php 150.00 para sa bawat post ko sa HotSpots. Salamat kay Kai.

  • Nilibre kami ng pizza ni Kuya B

    As promised, nilibre kami ng isang 18" New York's Finest na Yellow Cab pizza ni Kuya Benj kasi nagkaroon ng increase sa sweldo niya. Pumunta siya ng office kanina at tumambay. I love Yellow Cab's Pizza, promise!

  • www.batangyagit.com na ako!

    Naisipan kong panahon na para mag-level-up ang Batang Yagit blog ko, minabuti ko nang bilhin ang batangyagit.com. Naka-host pa rin ang batangyagit.com sa blogspot at gagana pa rin ang yagitnabata.blogspot.com dahil naka-redirect ito sa bago kong domain. Napansin ko rin na malaking percentage sa mga bumibisita sa blog ko ay site referrals. Kakaunti lang ang direct traffic ko. Siguro naman ngayon, mas madali nang tandaan ang URL ng blog ko.

    *** Salamat kay Jehzlau sa pagpapagamit ng CC para pambili ng domain na ito

4 comments:

Jehzeel Laurente said...

walang anuman.. bwahahaha! :P congrats on your new domain! :P

aethen said...

hehe. you, too! great! congratz, winston. hehe.

niknok said...

congrats sa iyong bagong domain!

Arthur said...

Congrats sa Domain Ü hehehe

Related articles



Widget by Hoctro