Aug 4, 2007

Enchanted Kalasagers

Pakiramdam ko, matagal akong nawala sa blogging. Andami ko kasing pinaggagawa nitong mga nakaraang araw. May mga exam din akong tinapos pagbalik namin mula sa biyahe. Yung mga exams na hindi natapos noong Exam week.

San nga ba ako pumunta? Hmm...



Noong Thursday, kinailangan kong bumiyahe mula Davao papuntang Maynila. May seminar sa printing press kaming pinuntahan. Kaso, nagkaroon ng aberya dito sa Davao kaya kinailangan ko munang magpahuli. Nauna na ang mga kasama kong kalasagers noong Wednesday sa Manila. Noon Biyernes, kumakyat kami ng Baguio kasama ang dalawang taga-C&P. Eto yung pangalawang beses kong umakyat ng Baguio sa taong ito. Unang beses kong naranasan ang makakita ng hale noong paalis pa lang kami ng PMA. Medyo malakas ang ulan at nasa bundok kami. Nagtaka na lang kami ng mapansing medyo malakas na ang tama ng ulan sa bubong ng sinasakyan namin van. Yun pala, yelo na ang tumatama sa aming sasakyan. Kahit na di namin gaanong nakikita ang mga butil ng yelo, ok pa rin kasi alam naming yelo ang tumatama sa amin.



Pumunta rin kami ng Enchanted Kingdom. Pangatlong beses ko ngayong taon na ito ang huling dalaw ko sa EK. Masaya kasi hindi na ako natakot sa Log Jam at Space Shuttle. Sa wakas, sumakay rin ako kahit na alam kong nanginginig ang mga tuhod ko noong papasakay pa lamang kami. Medyo nahilo nga lang ako pagkatapos ng ilang ikot sa Space Shuttle.

6 comments:

Anonymous said...

Enchanted Kingdom? WOw, wla pa ako nka punta dun...

Jehzeel Laurente said...

amf mga laagan oh!!! ako 0times pa sa EK.. si winston Nth time na waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!! cge lang maka maka ad2 lang ko dira ^_^

Anonymous said...

ilang beses na rin ako nag EK. siguro sa summer uli next year. di ko pa nasusubukan yung pirates 4d. bago kasing 4d yun eh.

4 times consecutively akong nag jungle log jam last punta ko dyan. walang pila kasi. tapos sa space shuttle, nagdalawang dulo kami. haha. masaya lagi sa dulo. pati sa anchors away.

frankly, hongkong pa lang ang napupuntahan ko outside luzon. haha. dapat kumain kayo sa pizza hut ng sm baguio, mas masarap ang pasta dun more than any branch. saka nanood na rin sa sinehang nilang may largest capacity seats. haha. kung nadaan naman kau sa manila, tinry nio sana mag Mall of Asia, being a manila boy, di ko pan talaga nalilibot ang buong MoA. Batang Ayala (sa Makati) Ako eh.

Batang Yagit said...

@jehz: kung sumama ka pa eh di sana nakapunta ka na. hehehehe. ayan kasi kung saan saan ginagastos ang pera. hehehehe


padre: masaya yung 4D theater ng EK. Natry ko yun nung punta namin ng mga classmates ko nung summer. Enjoy kasi parang totoo yung 3D tas may kasama pang mga basa at hangin effects. Walang ipanglalaban ang iMax ng MOA. hehehe.

Yung MOA naman, ilang beses ko nang naikot. Hehehhe.. Hindi naman siya ganun kalaki. :D

Ria Jose said...

Oooh...

{How did you embed the Picasa slideshow???}

Batang Yagit said...

@Ria: from picasa, when you open an album may lalabas dun na option sa gilid(left) na 'embed'. :)

Myspace Map


Related articles



Widget by Hoctro