Aug 4, 2007

Salamat

Ako po ay nakikiisa
Sa mga estudyante sa elementarya
Sa pagdiriwang nila
Ng Buwan ng Wika

Kaya ako'y
Magsusulat sa wikang Filipino
Kahit na ito'y
Hindi ko kabisado.


Eto na naman po ako at walang magawa. Ala-una na ng umaga at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog kahit na pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Kaya naman, sasamantalahin ko na lang ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang mga bumati sa akin sa araw ng aking kaarawan.

Kay Ate Coisey na siyang unang bumati sa akin. Tinext niya ako habang ako ay nasa ere at sumasakay sa Flying Fiesta sa Enchanted Kingdom. Sa mga Kalasagers na nagbigay ng surprise. (hindi gaanong surprise kasi nakita ko si ate ina na may dalang cake). Sa mga kaibigan sa kolehiyo at mga kaklase ko noong high school na hindi nakalimot (at addict sa friendster dahil nakita nila sa friendster ang birthday ko) sa araw ng aking kaarawan. Sa mga bumati sa friendster at multiply, maraming salamat po. Sa mga bloggers na dumaan sa aking blog at bumati sa akin, maraming salamat sa inyo.


  • Richard the AdSventurer
  • Angel Nacorda
  • Abaniko
  • Ria Jose
  • Paolo Mendoza
  • AnitoKid
  • Kuya Andrew
  • Ayel
  • Mars
  • Aethen
  • Jehzlau
  • Kirbitz
  • Mark


  • Maraming salamat po sa inyong lahat!

    2 comments:

    Jehzeel Laurente said...

    walang anuman ^___^ hehehe

    THE ANiTOKiD said...

    pareho ni jehzeel, "walang anuman, kabayan!" ikaw pa! :)

    Related articles



    Widget by Hoctro