Aug 7, 2007

Lesson learned

Isang leksyon ang natutunan ko ngayong gabi. Huwag matutulog habang ginugupitan.

Papauwi na sana ako ng mapadaan ako sa pinapagupitan ko ng buhok. Hindi ito kalayuan sa school namin. At dahil medyo magulo ang buhok ko at mahirap ring ayusin dahil medyo humaba na ito ng konti, naisipan ko na lang na magpagupit. Bago na ang mga staff ng pinapagupitan ko. Hindi ko na nakita yung mga taong dating gumugupit sa buhok ko (o dahil siguro late na akong pumasok).

Dahil medyo pagod sa buong araw na klase, hindi ko naiwasang makatulog habang ginugupitan. Isa sa mga weakness ko (in terms of tulog) ay yung buhok ko. Madali akong nakakatulog kapag may humahawak o may humihimas sa buhok ko. O kahit anong gawin mo sa buhok ko hangga't 'di ako nasasaktan, makakatulog ako niyan. Aircon ang lugar, may palabas na news sa TV, pagod sa klase at may gumagalaw sa ulo ko...sinong hindi makakatulog diba?

Kung hindi nga naman mamalasin, sumobra ang gupit mo kuya. Mas maikli yung buhok sa inaasahan ko. Hmp. Nagulat na lang ako nang magising ako at tapos na. Ayoko ng gupit ko. Pakiramdam ko, para akong batang naubusan ng gel. Ayoko rin namang mag-gel kasi kinakain nito ang oras ko at ayoko ring may malagkit na nakalagay sa buhok ko. Ayoko rin ng hindi nagagalaw ang buhok ko kasi may habit akong mag-brush ng buhok gamit ang kanang kamay kapag wala akong ginagawa kaya hindi uubra ang gel sa akin.

Kaya sa susunod na magpapagupit kayo, wag kayong pumunta ng late para hindi kayo antukin sa pagod. At 'wag na 'wag matutulog habang ginugupitan kung ayaw n'yong mapagtripan ni kuyang manggugupit.

2 comments:

Anonymous said...

haha...di tlaga ako makakatulog habang ginugupitan...kakaiba ka... :)

di rin ako gumagamit ng gel...samok man gud.

Anonymous said...

Hahaha. Ako rin natutulog habang ginugupitan. Na amaze GF ko sakin kasi kaya ko daw matulog na di gumagalaw ang ulo. Buti nalang mabait ang mga barbero sakin habang ginugupitan ako ng buhok. May libre pa masahe at hilot sa ulo. hehehe

Myspace Map


Related articles



Widget by Hoctro