Aug 9, 2007

Fruit Trip

Pagkatapos ng klase ko kanina, dumeretso na ako sa Ateneo High School para makipagkita kay Miss Bariga na nang-imbita sa amin na sumama sa bahay ng kaibigan niya sa Calinan (where most of the best fruits in Davao come from). Ayos kasi may fruit farm yung friend niya at tamang-tama namang in-season ang mga Davao fruits ngayon.

Hindi ko alam na banned within the high school campus ang mga college students. Ewan ko pero yun ang sabi ng guard. Binara niya ako nung pumasok na ako sa high school department ng Ateneo. May pinalabas daw na memo na nagbabawal sa mga 'alumni' na pumasok sa high school department. Eh di naman ako alumni eh so ok lang? Pero di pa rin pumayag si Manong Guard kaya tinanong na lang namin siya kung bakit binawal. Ayon kay Manong Guard, may mga students daw galing sa College campus na pumasok at nambugbog ng high school students. Ahhhh...kaya pala. At dahil hindi naman kami mukhang mambubugbog ng studyante (at wala na ring naiwan kasi maagang pinauwi dahil exams), pinapasok na rin kami ni Manong.

Hinintay muna namin ni Kuya Omar na matapos sila Henelsie at Joanna sa kanilang ginagawa before we left the campus. Habang naghihintay ng masasakyan papuntang Calinan, nadaanan kami ni Kuya Blogie na nalito kung high school ba ako or college.

Mga 30-minute ride lang ang Calinan from the city proper. Yun ay kung hindi matraffic or magka-aberya. Nung umalis kami ng city proper, medyo kalmado ang panahon. Walang hint na uulan. Pero nung ilang kilometro na lang kami mula sa aming babaan, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Halos hindi na makita yung kalsada dahil sa lakas ng ulan. Malas naman kasi wala rin kaming dalang payong, jacket or kahit pamalit na damit. Wala kaming nagawa kundi ang hayaan na lang na mabasa kami ng ulan. At dahil malayu-layo pa ang "habal-habal" ride, at dahil basa na lang din kami, minabuti na lang naming lubus-lubusin ang pagbabasa sa ulan.

Dito ngayon ang exciting experience. Four persons, two laptops, one useless umbrella, one strong rain, five kilometers to travel, one bumpy and rocky road, one driver and one habal-habal. Get the picture? At dahil tatlo lang ang angkas sa likod na kaya ng motorsiklo, at dahil ako ang mas maliit sa amin ni Kuya Omar, ako ang pinaupo ni Mamang Driver sa tangke ng kanyang motorsiklo. Astig! Himala na kung may parte ng katawan ko na hindi mababasa ng malakas na ulan. Sinulong ni Mamang Driver ang kahabaan ng bumabaha at maputik na kalsada habang ako naman ang ginagawa niyang Windshield. Tuwang-tuwa kami sa naging experience namin sa habal-habal.

Pinatuloy kami ni Aubrey (yung friend ni Henelsie) kahit na buong katawan namin ay basang-basa na ng ulan. Binigyan niya rin kami ng pamalit na t-shirt at pamunas. *inaantok na ako at this point while writing this post*. Inabutan namin na sa sala nila ang isang planggana ng fruits na pinahanda niya para sa aming pagdating. Ang saya! May Durian, Marang, Lanzones, Rambutan at Saging. Hindi namin tinantanan ang mga ito hangga't di pa sumasakit ang aming mga tiyan.



Hindi kami nakauwi agad dahil sa tindi ng lakas ng ulan. Inabutan kami ng 9p.m. bago naka-uwi. Weird kasi sa Calinan lang umulan. Nung dumating kami sa downtown, halatang tuyong-tuyo ang kalsada at ang lupa. Halatang hindi umulan. Buti na lang at hindi nagtaka yung mga tao na basang-basa kami. Hindi na rin ako nag-jeep kasi baka walang tumabi sa akin dahil basa ako.

Pumara na lang ako ng taxi pauwi. Weird rin yung driver, purong utang yung kinekwento niya sa akin. Utang niya, utang ng kanyang live-in partner (oo, sinabi ni Kuya Madaldal-na-Driver ang overview ng love life nila ng live-in partner niya. 1 year na sila), 5-6 sa GSIS Village, 5'6 sa Poly Subdivision at kung anu-ano pang mga bagay tungkol sa mga pinagkakautangan niya.


* habal-habal - motorcycle which can accommodate to as much as 5 persons. It is usually used in the rural areas.



This blog supports Wika 2007.

3 comments:

Anonymous said...

^_^ pwede kang makapasok ng ateneo kung humingi ka ng permit sa isa sa mga kakilala mong guro.. (para sa fiesta)

Anonymous said...

psssst...make sure wala nabasa imong laptop (if one of the laptop mentioned is yours if not okay lang he he he).....

puklo said...

hi.. kitakits sa summit.. :-)

Myspace Map


Related articles



Widget by Hoctro