Aug 13, 2007

Grade School Chronicles: Grade One

Mga bagay-bagay na naaalala ko pa nung ako'y nasa grade 1

  • nasa grade 1 section acacia ako. first room na nasa harap ng main gate ng school namin.
  • sa labas ng school ay may nakatayong malaking puno ng akasya.
  • naging biro namin na may nakatirang mga lamang lupa sa punong iyon dahil sa tanda nito
  • ang teacher namin ay si Bb. Lydia Ermac
  • napagalitan ako sa unang araw ng pasukan dahil pinaiyak ko ang kaklase ko na nakaupo sa harapan ko. Napag-tripan ko yung rubber band sa buhok niya. Uso kasi ang rubber band nung mga panahong 'yon.
  • minsan dumalaw ang tita ko sa room para ibigay ang baon ko. Nagse-spelling quiz nung mga panahong yun. Tinanong ko ang tita ko kung ano ang spelling ng Philippines. Binigay niya naman ito.
  • uso sa grade 1 ang class bully
  • grade 1 pa lang, parati na akong late. Kaya ang ginawa ng tita ko, pina-car-pool (na tricycle) niya ako. May isang beses na ako ang pinakaunang dumating sa klase.
  • ang palikuran ay para sa mga babae at guro lamang. Kung naiihi si junior, kailangan mong mag-excuse-me-maam-may-I-go-out at tumakbo sa pader na malapit sa gate at dun mo gagawin ang tawag ng kalikasan.
  • may naglalako ng tinapay at ice candy sa klase kaya hindi na kami pinalalabas tuwing recess
  • pakiramdam ko, ako ang teacher's pet ni maam. binigyan niya ako ng pasalubong nung umuwi siya ng Bohol nung Pasko.
  • tumae ang isang kaklase ko. Si Noriel
  • partner ko si Noriel sa reading session. Hindi siya marunong magbasa. Sinabi ni Maam na paluin daw ang hindi marunong magbasa. Dahil masunurin ako, pinalo ko naman siya.
  • Text cards, rubber band at holen ang favorite game ng mga bata.
  • Tinatabi kami ng isa kong schoolmate na si Karen tuwing flag ceremony para makita ng mga kaklase kong walang magawa kung sino ang mas maputi sa aming dalaw.
  • Pinaguhit kami ng Mt. Mayon pero binalik at pinaulit ni maam ang ginawa ko. Ginamitan ko ito ng ruler at nagmukhang pyramid ang Mt. Mayon
  • Nainggit ako sa isang kaklase ko dahil maraming banana at coconut trees ang kanyang ginuhit na bundok.


This blog supports Wika 2007.

3 comments:

Anonymous said...

Bata ka pa lang... engineer na ang dating ha... ginamitan talaga ng ruler ang Mount Mayon? HAHA!

Batang Yagit said...

oo nga noh? di ko napansin yun ah. hahahaha

Anonymous said...

Saan na kaya si Noriel? May kaklase din akong ganyan si Anthony... secret na lang ang last name. heheh.

Myspace Map


Related articles



Widget by Hoctro