Nov 13, 2007

Abala sa pag-aayos ng buhok

Kakarating ko lang ng bahay at buhok agad ang inatupag ko. Nagpagupit ako kanina sa mall at medyo bago ang style ng buhok ko. Medyo matagal na rin akong hindi gumagamit ng gel, wax at gum sa pag-aayos ng buhok ko. Sa loob ng dalawang taon, yung tipong suklay lang eh ayos na ayos na.

Medyo manipis ang buhok kaya nagkakaroon ako ng problema tuwing iniiklian ang haba ng buhok ko. Bumabagsak ito at mahirap ayusin. Napansin naman agad ito ng taga-gupit. Kaya nilagyan niya ng kaunting "texture" ang buhok ko. Ang ibig sabihin, may ginawa siyang hokus pokus para magmukhang makapal ang buhok ko. Pagkatapos gupitan, tinuruan niya ako kung pano ayusing ang buhok ko. Gumamit siya ng hair gum sa pag-aayos.

Pagkatapos kong magpagupit, pumunta agad ako sa Watson's para bumili ng hair gum. At dahil tig-1,100.00 pesos ang ginamit niyang hair gum sa buhok ko, at dahil wala akong balak na bumili ng ganoong kamahal ng pampaarte ng buhok, hair wax na lang ang kinuha ko.

At dahil excited, pagkagaling ko ng gym, agad-agad kong binuksan ang binili kong hair wax. Sinubukan kong ayusing ang buhok ko. Ok naman siya. Mas pangit nga lang kumpara sa ayos ng gumupit sa akin pero ok na rin. At dahil naligo ako sa gym at tuyo na ang buhok ko pagkadating ng bahay, saktong-sakto ang set-up ng buhok ko para ayusan. Kailangang magpraktis muna para hindi magkagulo ang buhay ko bukas ng umaga.

Yun lang muna sa ngayon dahil ako'y matutulog na.



» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter

Batang Yagit

4 comments:

kuya Wakkz said...

you're VAIN ha ha ha ha ha ha

kuya Wakkz said...

ssshhhhhhhhhhh WALA KASI ako niyan eh.....ha ha ah aha a ha ha he he

P.S
Don't release yet wait for my confirmation.

marco said...

hay naku!! thats all thank yu~!

Ria Jose said...

YOU ARE VAIN I TELL YOU!!!

Related articles



Widget by Hoctro