Ito ang paborito kong pantalon. Kung naaalala ko ng tama, binili ko ang pantalong ito mga tatlo o apat na taon na ang nakakalipas. Size 31 ang waistline at medyo loose ang fit. May rusty at faded design yung harap.
Paborito kong gamitin ang maong na 'to. Mga isa o dalawang beses kong ginagamit ito sa isang linggo. Pero nung mga nakaraang buwan, medyo hindi ko na nagagamit kasi nagkaroon ng punit sa bandang tuhod ng kaliwang paa.
Nasira 'to nung summer nang mag-practicum ako sa Coca-cola. Hindi ko maalala kung pano pero sobrang gamit na gamit ang pantalong ito sa trabaho. Marahil kaya ito nasira.
Kahit na may punit na ito, sinusuot ko pa rin siya. Hindi nga lang sa eskwela kasi bawal magsuot ng pantalong may punit.
Talaga namang nagmumukha akong Batang Yagit tuwing suot ko ang pantalong ito. Pero pag may nagtatanong, sinasabi ko na lang na 'style' yan. Hehehe. Palusot ano?
Update:
Naalala ko tuloy ang mga Sulating Pangwakas ko noong nasa elementary pa lang ako. Ka-level ng Ang Paborito kong Aso, Si Nena at ang Pusa, at Ako si Batman.
» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter
Batang Yagit
Aspire 8930G
Nov 12, 2007
Ang Paboritong Pantalon ni Batang Yagit
niyari ng
Batang Yagit
noong
11/12/2007 09:46:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Latest PRC Board Exam Results
- August 2007 Licensure Examination for Teachers Results
- December 2007 Nursing Board Exam Results (NLE)
- November 2007 Chemical Engineering Board Exam Results
- November 2007 Civil Engineering Board Exam Results
- November 2007 Electronics Engineer Licensure Examination Results
- October 2007 Criminologist Licensure Examination Results
3 comments:
wahahah! talaga nga naman! naging batang yagit ka niyan! pero sosyal na batang yagit! tama ba bai? aheheh
by the way, i awarded you in my EUTS site.. please claim it for you deserve it ..thanks a lot for being part of my blogging life!
my euts site pala o..
EUTS
Kuya, yan suotin mo sa blogger meet-ups para naman makilala nila agad si Batang Yagit.
Post a Comment