Nov 10, 2007

Ayoko nang kumain sa Jollibee Bajada kasi marumi

Isa ako sa mga tao na loyalistang McDonald's. Minsan lang ako napapadpad sa Jollibee. Yung mga minsan na hindi ako ang nagbabayad or kung hindi eh wala akong choice.

Pagkaalis ko ng gym kagabi, pagod at gutom, dumeretso ako ng J.P. Laurel para humanap ng makakainan. Yung unang nasa isip ko, sa Mcdo ako kakain. Pero napag-isip-isip ko rin na medyo nagsasawa na rin ako sa Mcdo. At dahil malapit lang ang Jollibee sa Mcdonald's, napagdesisyunan kong kakain na lang ako ng Burger Steak meal sa Jollibee (Hotdog at Burger Steak lang ang kinakaya kong masikmurang kainin sa Jollibee).

Madali lang yung pag-order ko ng Burger Steak. Hindi natagalan. Hindi na rin nila ako binigyan ng number. At dahil dine-in, stainless steel spoon and fork ang gagamitin. Kumuha ako sa sterilizer nila. Nagtaka ako dahil walang lamang hot water ang sterlizer nila.

Nung makaakyat na ako sa second floor at inumpisahang kumain, bago ko pa nagamit ang tinidor, napansin kong may mga bahid ng kanin ang hinahawakan kong tinidor. What? Hindi ba hinugasan 'to? Hindi ba nila inayos ang paghugas nito?

Nagmadali akong bumaba para humingi ng plastic spoon and fork. I leaned over the counter to catch the crew's attention at pinansin naman nila ako. Naka-smile pa yung babaeng crew at nagtanong kung ano ang kailangan ko. Sabi ko, "Can I have a plastic pair of spoon and fork?". Tas eto ang sagot niya, "Sir, meron naman po tayo dito (sabay turo sa bin ng stainless steel spoon and fork)". Kaya sinagot ko siya, "Uhmm, kumuha na ako kanina kaso marumi yung nakuha ko".

Tiningnan ko ang reaction ng mukha ng crew. Sa mga ganitong sitwasyon, kailangan ang eye contact para malaman nilang you are in authority. Nagbago ang reaksyon ng babaeng crew. Nawala ang smile niya ata napalitan ng simangot sa mukha. Binigyan niya ako ng new pair of plastic spoon and fork. Nag-thank you naman ako pero nakasimangot pa rin siya.

Sa pangyayaring ito, I swear, I won't eat at Jollibee Bajada anymore.


» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter

Batang Yagit

12 comments:

Jehzeel Laurente said...

waaaaaaaaaaaa!! na e imagine ko ang mukha ng babae.. kawawang kawawa naman yun.. napahiya! nyahaha!

Anonymous said...

You sound like a kolehiyala Mr. Yagit. Ito na ba ang simula ng paghahamon mo kay Inday???

Unknown said...

yaiks!! fans ako ng mcdo at jabee!!. kaso nakakasawa talaga foods nila. i also prefer plastic spoon and fork.(though mahirap kumain ng chicken kapag plastics ang gamit) mahirap na bka magka-hepa pa ako sa ganitong mga lugar.

sad experience but not shocking. :P

keep it up! kain lng ng kain!! lol

Unknown said...

I agree with ate ria.

eto na ba yung next entry mo for batang yagit vs inday?

hahahahha

and kuya. wala talagang water yung sterilizer ng jabi.

hehehehe

masyado kang mapanuri... or ayaw mo lang talaga sa jabi!

hahahahhaha

Anonymous said...

Woah, saya naman ng experience mo! Mas masaya kung sa kalagitnaan na ng pagkain mo napansin. ;D

Batang Yagit said...

@ria: waaaaa.....bat kolehiyala? hmp.

@dale: yeah...baka may mas worse pa.

@kuya migs: both kuya...mapanuri at ayoko ng jabi

@mikko: di ko na mapapansin yun kung sa kalagitnaan pa ng pagkain ko.

andres said...

masarap yung marumi, training na rin para sa immune system kung gumagana pa. malalaman naman yan agad kase magkakasakit ka hahahaha! mali mali... hahaha! ok lang yung marumi, wag lang yung obvious. yung sustansiya na ng kinakain ko ang papatay sa mga germs sa pagkain mismo. kaya kumain ng masustansiyang pagkain gaya ng fishball at tempura!

Batang Yagit said...

@g0ma: oo nga eh, kaso obvious yung dumi eh. hahaha.

Anonymous said...

sobra naman kung "i swear hindi kana kakain sa jollibee bahaja" sure? really sure?
^_^

joke lang

sige na nga sure na siya pero don't make it a big deal na yung mistake ng isang crew (kasi hindi nalinis ng mabuti un isang fork) naging forever mistake na ng lahat... waaaa wawa si jabee

pero as for me KFC or pizza fan po ako eh ^_^ kung mag jollibee or McDo ako usually Take out or deliver...bihira ako dine IN



My Blog have so many tips you can learn visit mine and see for yourself
All About Blogs and AoV Outsourcing Service

^_^ take care

Batang Yagit said...

@Aice. hahaha..i mean it. lol :P

Anonymous said...

may mga friends akong nakapagtrabaho sa mga fastfood. actually, lahat ng utensils na hindi disposable, di talaga yan nahuhugasan ng mabuti, that is according to my friend who experienced working in three different fastfood. sabi pa nga nya, kung naghuhugas sila ng utensils, isang pahiran ng sponge na may sabon lang yan,tapos isosoak sa tubig, and poof! tapos na ang paghuhugas. this is very true, not only in jabee but to other fastfoods as well. rush hour daw kasi palagi sa mga fastfood, kaya lahat minamadali. >:(

Swexie said...

I guess you reacted normally... I had a resto before, and cleanliness and sanitizing of utensils is really very important.. But, you should have also informed the management about the situation, although Jollibee is already BIG in the fastfood industry, I'm sure that they would appreciate your observations... It's also important for them to get bits and clips from their consumers. (--,)

Myspace Map


Related articles



Widget by Hoctro