Aspire 8930G
Aug 29, 2007
A response to the injustice of the Ateneo OSA
The SAMAHAN finally expressed their sympathy on the aftermath of Mr. Enriquez' unjust sanction for the nine students who violated the student code of conduct for ID's. The photos above says "Let us light a candle in sympathy to the 9 Ateneo students who became victims of unjust sanction and public humiliation".
About two weeks ago, the Ateneo Community noticed the presence of a "WANTED" poster in the Office of the Student Affairs Bulletin Board. Contained in this poster are the photos and IDs of 9 students who violated the school's policy on IDs.
As far as I know, when someone violates a rule stated in the student's handbook, the person guilty of such violation shall be given proper sanctions. Sanctions for certain violations vary depending on its weight. Such things shall be determined by the OSA Director or by the Disciplinary Board. Example of these sanctions are public apology, community service, suspension and expulsion. Not once that I have heard of a rule saying that the school will publicly humiliate students who will violate the rules stated in the student's handbook.
Never in their life did these students wished to be placed in a "WANTED" poster. Never did the parents of these students imagined treating their sons and daughters as criminals. Never did they imagined that the very school they respect will give this unjust treatment.
I share the same sentiments with those students who suffered this unjust treatment. If they have violated school rules, then give them the proper sanction they deserve. They don't deserve to be treated like criminals and be humiliated in public. What these students need is justice which was taken from them by person/s involved in the Ateneo Administration.
» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter
Batang Yagit Read More......
Awitenista 2008 Production Staff Hunt
Kalasag, Ang taunang aklat ng Ateneo de Davao University, is now accepting applications for Awitenista 2008 Production Staff. Be part of Ateneo's biggest music happening.
Application forms are available at the Kalasag Office. PDF copy can be downloaded here.
» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter
Batang Yagit
Aug 28, 2007
Davao International Airport Fee Increase
Bad news for those Air Travelers out there. Davao International Airport increased it's Domestic Terminal Fee from 50.00 pesos to 200.00 pesos starting today, August 28. That's a 500% increase.
This increase in terminal fee is a mandate by Department Order No. 2007-25 issued by the Department of Transportation and Communication (DOTC). The said increase takes effect in various airports all over the country.
I have been very proud before because DIA offers the cheapest Domestic Terminal Fee in the country. But now, at 200.00 pesos, it is charging the same rate as that of Ninoy International Airport.
According to Councilor Lavina, the 500% hike in airport fee is the result of the lack of airport revenue since its opening 2003.
» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter
Batang Yagit
Aug 27, 2007
Related Posts hack for Blogger 2
It's been a while since the last time I updated the features for my blog. I am jealous with Word Press' related posts feature. I have been waiting for blogger to do the same. Though it can be done in blogger if you know how to program. But since i'm not good in programming XML calls and JSON, it's better if I wait.
While I was blog hopping this morning, I came across this Hoctro's Place wherein he published several hacks for blogger. The related posts interest me most. I have not explored his site yet. I concentrated on the related posts hack first.
So how does it work? The Related Posts Hack utilize the posted item's Labels. These labels are used to make JSON calls for items with similar posts. So what the hack really do is list the recent posts containing the same label as the opened item. If a post contains several labels, then the hack lists the related items for each of the labels. The hack is easy to install but make sure you make a back-up of your template.
» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter
Batang Yagit
Aug 26, 2007
Boy Bastos Award?
I got nominated sa Pinoy Evil Blog Awards ni Kuya Paolo. Pag-gising ko this morning, nakita ko ang Batang Yagit sa Final List of Nominees for Pinoy Evil Blog Awards. Hahahaha.. Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa. Epektibo ata ang ginawang campaign ni Jehzeel para i-nominate ako ng mga tao. Napagtripan lang po ako ng Usual Suspects kaya po ako napasok. T__T
Kung sa bagay, cool naman ang may award (kahit boy bastos award, cool pa rin yan). Kaya vote niyo po ako kung sakaling may voting na. Hahahaha.
Aug 25, 2007
Batang Yagit ranks 1 on class tardiness
Yeah, maybe not totally but I still consider it.
I missed my 8 o'clock quiz, the only quiz we have in the mid terms. Yes, I did. It was so stupid for me to forget that our teacher scheduled a special class today. It was so stupid that I did not check my calendar. It was so stupid that I forgot to set the alarm last night. Oh well, I can't do anything about that. The consequence was laid upon me this morning.
If not for Chai, I would have slept longer. I read an SMS from Chai around 9.30 a.m. That's 1.5 hours after thae quiz started and 30 minutes before it would end. It was then panic hit me. I had to cram my morning activities so I could get to school before 10am. When I arrived, I decided to ask our teacher if I could enter his 10a.m. CoE (Computer Engineering) class. I pleaded before he allowed me.
There I was, sitting at the back-most part of the computer laboratory. I was so careless in answering the first part of the test. Since it was a 'no erasure' exam, I did not have the chance to change my wrong answers. The only nice thing which happened this morning was that I was able to finish the hands-on programming task for the PIC Microcontroller. I was able to load the program to my chip on time. Most of the CoE people where not able to cause our teacher switched off the main power. I think there were only two who got the hands-on right. I'm so glad I was one of the two. (No one from the 8am class got the problem right or if they did, they did not make it on time)
So that's what happened this morning and here I am blogging late at night. I have a Kalasag activity tomorrow at 8a.m. (again???). Wake me up if you get the chance. Hehehehe.
Aug 24, 2007
The week it was
As you may have noticed, I didn't get to post much this week. I have been busy with some things here. Thank God I still find time to make this post despite that I have to study for my quiz this morning. Mind you guys, it's a really really long quiz. Three weeks of my classmates' reports packed in a single quiz. That's quite long, isn't it.
So what was keeping me busy this week? Hmmm... a lot of things.
- Thesis Papers. Yeah, I am graduating this March (hopeful). As for graduating students, we are required to make our thesis paper. For us engineering students, we call it Project Study. We have to come up with a prototype system that we could use to help our community. Since we are joining the 4th Smart SWEEP this year, we are obliged to make our project study relevant to this year's theme which is Going Wireless for Disaster Preparedness. We already have decided what project to make. The only problem we had was the submission of the first three chapters of the thesis paper. It's quite difficult cause we have to submit it on Tuesday and we have started doing it the day before. (We were a day late, we submitted it on the Wednesday)
- Malaysian Friends. Seven Malaysian friends are here in Davao to do a mission for the church (Hope of God). They are here to introduce their Church to the Uni (that's how the truncate the word University) students since they see the potential from these kids. Anyway, I have been going out with them for a couple of nights now. It was fun. I enjoyed their company a lot.
- Microcontroller Project. This one set me on a bad mood. The project was supposed to be submitted on the morning of Thursday. Until Wednesday, nobody took the initiative to make the project. So I decided to do it on the afternoon of Wednesday. I was at the Kalasag Office the whole afternoon, squeezing my brain out while I work on the program. I am not even sure if the given conditions (from our teacher) that I know were right. Since almost everyone were aware that I was working on the project, someone from our class asked for the HEX File. His statement really set my mood really bad. He could have asked for the source code if he wanted to copy. At least in that way, he has the chance of learning the code I made. Well, he did not. If that's what he wants then fine. So I decided not to share it to the class (who did not do the program), except of course to my group mates. Again, everything did not end there. One of my group mates, a trusted friend, spilled out the information that we already finished the code. And me on the other hand, not knowing what my friend told the class, said that we have not done anything yet and I am still working on it. (Denial to the MAX). I've been like this for the whole time not until that trusted friend admitted that he told the class about our code. WTF! So what's up now? Am I being presented as the antagonist of the show? ... Thursday morning, I woke up late from the stress the previous night had brought me. I was shocked when I entered the room, only to find out that my classmates were around that trusted friend's workstation cramming their way in getting a copy of the code. Ok. No need to explain. I see what's happening. I don't need to freak out. I don't need to make any wrong moves.
Aug 18, 2007
Peryang Pilipino
It has been a while since the members of the Kalasag 2006. It's a rare occasion for us to go out since most of us are already working. At dahil walang pasok at pista sa Ateneo, we find the time to go out today.
Naaalala ko noong maliit pa ako, uso noong araw ang mga perya sa bayan. At dahil lumaki ako sa probinsya, isa ang perya sa mga kapansin-pansing kasiyahan sa fiesta. Ang perya, o carnival sa ingles, ay ang sinaunang theme parks ng mga bayan. Wala pang Star City at Enchanted Kingdom noon. Tanging perya lang ang may mga thrilling at exciting rides. May mga chubibo, ferris wheel, sugal, carousel at kung anu-ano pa. May horror train din at mga weird na tao na nagpapanggap bilang taong ahas. May mga madyikero, sirkero, tubero, bumbero, etsetera estetera.
Noong araw, minsan tuwing pista, pumupunta kami sa perya para magsaya. Pinapasakay kami ng rides, mapa-softcore or hardcore man. Naaalala ko pa nung sumakay kami ng octopus, sinuka ko ang lahat ng kinain ko sa tanghalian. Hindi ko kinaya ang upuang umiikot sa ere.
Hindi ko inakalang may perya pa pala sa panahong ito. Mas nakakagulat dahil nasa Davao ito. Matapos kaming mamasyal sa SM City Davao kanina, kasama si Ate Coise, Jaqi, Ate Myka at Kuya Alvin, napagdesisyunan namin na pumunta ng Damosa Gateway. May nakapagsabi raw kay Jaqi na may rides daw sa Damosa. At dahil na-excite kami sa rides, pumayag na kaming umalis kahit na gutom na sila.
Nostalgic.
Matagal na noong huli akong makapasok sa perya. Nasa elementarya pa ata ako noon. Kaya medyo kakaiba ang feeling nung pumasok kami kanina. Parang naaalala ko ang mga 'good old days'. Sumakay kami ng swan-thing na chubibo, minalas lang kasi nasira yung ride. Nakakatakot hindi dahil thrilling yung ride, kundi dahil sa mga di-tiyak na safety measures ng ride. Pati rin yung structure ng mga rides. Lalo na yung Mad Mouse, na parang coaster, na umaalog ang mga bakal tuwing dumadaan yung Mouse cart. At dahil nasira yung ride, lumipat na lang kami sa carousel. Natuwa naman kami.
Hindi pa rin nawawala ang pasugalan sa perya. Andyan yung laro na dodoble ang taya mo kung lalabas ang kulay ng kahong tinayaan mo. Nandyan din yung baril-barilan ng mga laruang pato. Hindi rin nawawala ang curly tops bilang papremyo. Talagang nakakamiss ang peryang Pilipino.
Aug 16, 2007
Nakakapagod ang araw na ito
Gaya ng sabi ko kahapon, kailangan kong gumising ng maaga para sa Pista Atenista. Akala ko late na ako sa parada, hindi pa pala kasi matagal nag-umpisa ang parade. Nasa bandang huli rin yung pwesto ng Engineering sa parada. Tumagal din ng isang oras ang kabuuan ng parada. Pagod at gutom na kami ng dumating sa school.
Kahit na nakakapagod ang mga pinaggagawa namin ngayong araw na 'to, may mga bagay naman na pwedeng gawing dahilan kung bakit maganda ang araw na ito.
- Birthday ni Baliue
Yeah, it's Baliue's birthday. Pumunta kami sa bahay to surprise her with our cake and gift. Hehehhe. Hindi na nga namin siya na-surprise sa office kaya we decided na puntahan na lang namin siya sa bahay nila. At least we had a taste of her mother's food. - Approved ang Blog to Profit ko
Kakatanggap ko lang ng e-mail galing kay Ann ng Blot To Profit na nagsasabi na qualified na sumali sa program ang Davao WiFi HotSpots site ko. Natuwa naman ako kasi babayaran nila ako ng Php 150.00 para sa bawat post ko sa HotSpots. Salamat kay Kai. - Nilibre kami ng pizza ni Kuya B
As promised, nilibre kami ng isang 18" New York's Finest na Yellow Cab pizza ni Kuya Benj kasi nagkaroon ng increase sa sweldo niya. Pumunta siya ng office kanina at tumambay. I love Yellow Cab's Pizza, promise! - www.batangyagit.com na ako!
Naisipan kong panahon na para mag-level-up ang Batang Yagit blog ko, minabuti ko nang bilhin ang batangyagit.com. Naka-host pa rin ang batangyagit.com sa blogspot at gagana pa rin ang yagitnabata.blogspot.com dahil naka-redirect ito sa bago kong domain. Napansin ko rin na malaking percentage sa mga bumibisita sa blog ko ay site referrals. Kakaunti lang ang direct traffic ko. Siguro naman ngayon, mas madali nang tandaan ang URL ng blog ko.
*** Salamat kay Jehzlau sa pagpapagamit ng CC para pambili ng domain na ito
Aug 14, 2007
Pista Atenista
Agosto ang paborito kong buwang sa Ateneo. Bakit? Sa dalawang kadahilanan.
- Ito ang buwan na may maraming araw na walang pasok.
- Pista Atenista
Aug 13, 2007
Grade School Chronicles: Grade One
Mga bagay-bagay na naaalala ko pa nung ako'y nasa grade 1
- nasa grade 1 section acacia ako. first room na nasa harap ng main gate ng school namin.
- sa labas ng school ay may nakatayong malaking puno ng akasya.
- naging biro namin na may nakatirang mga lamang lupa sa punong iyon dahil sa tanda nito
- ang teacher namin ay si Bb. Lydia Ermac
- napagalitan ako sa unang araw ng pasukan dahil pinaiyak ko ang kaklase ko na nakaupo sa harapan ko. Napag-tripan ko yung rubber band sa buhok niya. Uso kasi ang rubber band nung mga panahong 'yon.
- minsan dumalaw ang tita ko sa room para ibigay ang baon ko. Nagse-spelling quiz nung mga panahong yun. Tinanong ko ang tita ko kung ano ang spelling ng Philippines. Binigay niya naman ito.
- uso sa grade 1 ang class bully
- grade 1 pa lang, parati na akong late. Kaya ang ginawa ng tita ko, pina-car-pool (na tricycle) niya ako. May isang beses na ako ang pinakaunang dumating sa klase.
- ang palikuran ay para sa mga babae at guro lamang. Kung naiihi si junior, kailangan mong mag-excuse-me-maam-may-I-go-out at tumakbo sa pader na malapit sa gate at dun mo gagawin ang tawag ng kalikasan.
- may naglalako ng tinapay at ice candy sa klase kaya hindi na kami pinalalabas tuwing recess
- pakiramdam ko, ako ang teacher's pet ni maam. binigyan niya ako ng pasalubong nung umuwi siya ng Bohol nung Pasko.
- tumae ang isang kaklase ko. Si Noriel
- partner ko si Noriel sa reading session. Hindi siya marunong magbasa. Sinabi ni Maam na paluin daw ang hindi marunong magbasa. Dahil masunurin ako, pinalo ko naman siya.
- Text cards, rubber band at holen ang favorite game ng mga bata.
- Tinatabi kami ng isa kong schoolmate na si Karen tuwing flag ceremony para makita ng mga kaklase kong walang magawa kung sino ang mas maputi sa aming dalaw.
- Pinaguhit kami ng Mt. Mayon pero binalik at pinaulit ni maam ang ginawa ko. Ginamitan ko ito ng ruler at nagmukhang pyramid ang Mt. Mayon
- Nainggit ako sa isang kaklase ko dahil maraming banana at coconut trees ang kanyang ginuhit na bundok.
Busy kami
Gabi na nung dumating ako sa bahay. Nagbihis muna ako bago nag-login sa YM. Hmmm... parang weird na halos lahat ng contacts ko sa YM ay naka Busy status. Kaya nakisabay na rin ako sa status nila.
Para sa karamihan, ang Sunday ang rest day. Sunday rin ang family day. At para dun sa mga nag-aaral dito sa lungsod nagdodorm lang, Sunday ang araw ng malling at lakwatsa. Sunday rin ang araw ng full-time pag-aaral kung nerd ka.
Ano nga ba ang mga pinagggagawa ko ngayong araw na 'to? Nung mag-login na ako sa YM, nasabi kong hindi lang pala ako ang busy sa araw na 'to. Medyo naging mabigat ang araw na 'to para sa akin dahil sa buong araw naming meeting sa Kalasag. Ginawa namin ang yearbook planning pati na rin ang pagpaplano ng mga gagawin sa Kalasag Reunion at Awitenista 2008.
Masaya pa rin ako sa kabila ng pagiging pagod buong araw. Natapos namin ang aming pagpaplano. Marami ring mga bagay-bagay na napag-usapan sa meeting.
Sa mga darating na araw, mas magiging busy kami aside sa fiesta ng Ateneo, may sasalihan rin kaming photo contest. Ito ay ang 1st Kadayawan Photo Contest ng Canon Philippines. Napadaan kasi si Sir Bong kanina at sinabi sa amin ang tungkol sa contest na 'to. Sayang rin yung EOS 400D na mapapanalunan ng makakakuha ng unang gantimpala. Gagawa pa ako ng mix ng tugtog na gagamitin ni Amethyst sa kanilang sayaw ngayong darating na fiesta sa Ateneo. Ihahanda ko pa yung mga boxes na gagamitin sa gagawing Horror House ng Engineering at ang music na gagamiting effects para dito. Tuturuan ko rin ang mga Kalasag Staff ngayong week na 'to para sa mga basics at features ng Adobe Photoshop CS2.
Whewww. Sana wala na lang busy.
Aug 12, 2007
Update ng entries
Kahit papaano ay may nagawa rin ako. In-update ko yung ilang post ko noong mga nakaraang araw.
- No one listened, No one cared - may dinagdag akong isang stanza. May cricriticize si Henelsie pero later na raw. Sabi niya ok na to start off, pero kaya pang i-improve yung ginawa ko. Natuwa naman ako kaya nilagyan ko lang din ng extra stanza.
- Blogging sa Chowking - eto yung post ko tungkol sa paggamit namin ng free WiFi ng Chowking Bolton. Medyo natagalan yung pagpost ng picture kasi natagalan ako sa paghahanap ng Bluetooth dongle ko. Kaya hindi ko nalipat agad ang picture files.
- Fruit Trip - nilipat ko na rin yung photos ng Fruit Trip namin sa computer ko galing sa phone ko. Mas masaya ang article na may picture.
Aug 11, 2007
Batang Yagit, Simpson Edition
No one listened, no one cared
I am aching inside
I am in pain
No one listens
No One cares
I pleaded
I asked for help
Still no one listens
Still no one cares
I went out
I left
Because no one listens
Because no one cares
I am alone
I am afrain
No one listens
No one cares
I screamed
Yet I was not heard
'Cause no one listened
'Cause no one cared
I jumped into the abyss
I killed myself
Because no one listened
Because no one cared.
Aug 10, 2007
You Got Blogged: Jemme
May mga katanungan ba kayo? May mga bagay ba na gumagambala sa inyong mga isipan? Huwag nang malito. Itanong mo kay Jemme.
- Ano ang koneksyon ng ipis sa ulan?
- Galing ba sa baby ang baby oil?
- Bakit every friday kadalasan monggo and tindang gulay?
Noong buwan ng Abril, ginambala ni Jemme Putchir ang mga Pinoy Bloggers sa kanyang mga nakakatuwang mga entries. Sa kakaunting panahong nasa internet ang Itanong mo Kay Jemme, daang-daang tao ang napasaya nito. Kaninong tiyan ba ang hindi sumakit sa katatawa matapos basahin ang post na What is your most unforgettable experience?
Frustration ko ang maging isang singer. Gustong-gusto kong magGYM pero tamad ako kaya hanggang gusto lng ang nagagawa ko. Plano kong maging isang Astronaut at makarating sa … GERMANY?!
Si Jemme o mas lalong kilala bilang Kuya Jemme ay isang tubong Mindanao na kasalukuyang nagtratrabaho sa Metro Manila. Bata, matanda, may ipin o wala, wala siyang hinihindian na katanungan...maging sino ka man.
Nasubukan ko na ring magtanong kay Kuya Jemme.
Bakit araw ang tawag sa araw at araw ang tawag kung hindi gabi?Kahit na medyo natagalan ang pagsagot ni Kuya Jemme sa aking katanungan, nabigyan naman niya ito ng liwanag sa kanyang kasagutan. Sino ba ang hindi natuwa sa mga ala-lola basyang na kwento niya? Sa mga Jemme-Putchir-Theory-of-Un-Realities? Sa mga nakakatuwang kasagutan sa ating mga katanungan? (Heneroso, ikaw lang ba ang hindi?)
Isang nakakatuwang bagay din sa blog ni Kuya Jemme ay yung mga napaka-cute na mga smileys. Isang (o maramihang) tunay na imahe ng pagiging masayahin ni kuya jemme.
Sa kabila ng mga dagok sa buhay nating mga Pilipino, may isang taong nananatiling malakas upang bigyan tayo ng kasiyahan. Sa bawat katanungang sinasagot ni Kuya Jemme, taglay nito ang masusing pananaliksik sa mga kasagutan at kung papaano ito maihahayag sa nakakatuwang kaparaanan. Kaya Kuya Jemme, magpatuloy ka sa pagbibigay ng kasiyahan.
This is an entry to the
You Got Blogged!
DigitalFilipino.com / MindanaoBloggers.com Review-a-Blog Competition.
Join the DigitalFilipino.com Club!
On 27 October 2007, come to Davao City for the
1st Mindanao Bloggers Summit!
Aug 9, 2007
Fruit Trip
Pagkatapos ng klase ko kanina, dumeretso na ako sa Ateneo High School para makipagkita kay Miss Bariga na nang-imbita sa amin na sumama sa bahay ng kaibigan niya sa Calinan (where most of the best fruits in Davao come from). Ayos kasi may fruit farm yung friend niya at tamang-tama namang in-season ang mga Davao fruits ngayon.
Hindi ko alam na banned within the high school campus ang mga college students. Ewan ko pero yun ang sabi ng guard. Binara niya ako nung pumasok na ako sa high school department ng Ateneo. May pinalabas daw na memo na nagbabawal sa mga 'alumni' na pumasok sa high school department. Eh di naman ako alumni eh so ok lang? Pero di pa rin pumayag si Manong Guard kaya tinanong na lang namin siya kung bakit binawal. Ayon kay Manong Guard, may mga students daw galing sa College campus na pumasok at nambugbog ng high school students. Ahhhh...kaya pala. At dahil hindi naman kami mukhang mambubugbog ng studyante (at wala na ring naiwan kasi maagang pinauwi dahil exams), pinapasok na rin kami ni Manong.
Hinintay muna namin ni Kuya Omar na matapos sila Henelsie at Joanna sa kanilang ginagawa before we left the campus. Habang naghihintay ng masasakyan papuntang Calinan, nadaanan kami ni Kuya Blogie na nalito kung high school ba ako or college.
Mga 30-minute ride lang ang Calinan from the city proper. Yun ay kung hindi matraffic or magka-aberya. Nung umalis kami ng city proper, medyo kalmado ang panahon. Walang hint na uulan. Pero nung ilang kilometro na lang kami mula sa aming babaan, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Halos hindi na makita yung kalsada dahil sa lakas ng ulan. Malas naman kasi wala rin kaming dalang payong, jacket or kahit pamalit na damit. Wala kaming nagawa kundi ang hayaan na lang na mabasa kami ng ulan. At dahil malayu-layo pa ang "habal-habal" ride, at dahil basa na lang din kami, minabuti na lang naming lubus-lubusin ang pagbabasa sa ulan.
Dito ngayon ang exciting experience. Four persons, two laptops, one useless umbrella, one strong rain, five kilometers to travel, one bumpy and rocky road, one driver and one habal-habal. Get the picture? At dahil tatlo lang ang angkas sa likod na kaya ng motorsiklo, at dahil ako ang mas maliit sa amin ni Kuya Omar, ako ang pinaupo ni Mamang Driver sa tangke ng kanyang motorsiklo. Astig! Himala na kung may parte ng katawan ko na hindi mababasa ng malakas na ulan. Sinulong ni Mamang Driver ang kahabaan ng bumabaha at maputik na kalsada habang ako naman ang ginagawa niyang Windshield. Tuwang-tuwa kami sa naging experience namin sa habal-habal.
Pinatuloy kami ni Aubrey (yung friend ni Henelsie) kahit na buong katawan namin ay basang-basa na ng ulan. Binigyan niya rin kami ng pamalit na t-shirt at pamunas. *inaantok na ako at this point while writing this post*. Inabutan namin na sa sala nila ang isang planggana ng fruits na pinahanda niya para sa aming pagdating. Ang saya! May Durian, Marang, Lanzones, Rambutan at Saging. Hindi namin tinantanan ang mga ito hangga't di pa sumasakit ang aming mga tiyan.
Hindi kami nakauwi agad dahil sa tindi ng lakas ng ulan. Inabutan kami ng 9p.m. bago naka-uwi. Weird kasi sa Calinan lang umulan. Nung dumating kami sa downtown, halatang tuyong-tuyo ang kalsada at ang lupa. Halatang hindi umulan. Buti na lang at hindi nagtaka yung mga tao na basang-basa kami. Hindi na rin ako nag-jeep kasi baka walang tumabi sa akin dahil basa ako.
Pumara na lang ako ng taxi pauwi. Weird rin yung driver, purong utang yung kinekwento niya sa akin. Utang niya, utang ng kanyang live-in partner (oo, sinabi ni Kuya Madaldal-na-Driver ang overview ng love life nila ng live-in partner niya. 1 year na sila), 5-6 sa GSIS Village, 5'6 sa Poly Subdivision at kung anu-ano pang mga bagay tungkol sa mga pinagkakautangan niya.
* habal-habal - motorcycle which can accommodate to as much as 5 persons. It is usually used in the rural areas.
Aug 8, 2007
Pinoy Evil Blog Awards Campaign
Sasamantalahin ko ang pagkakataong ito upang i-kampanya ang kaibigan kong si Jehzlau para Boy Bastos Award sa Pinoy Evil Blog Awards ni Kuya Paolo Mendoza.
Ito ay para sa mga sumusunod na kadahilanan.
- Ninominate niya ang aking Batang Yagit na blog para sa kategoryang Boy Bastos Award kahit na wholesome ang blog ko.
- Nung magkaroon kami ng conferenece kasama si Ate Aileen, Ria, Kuya Blogie and Kuya Andrew, may naririnig kaming mga ungol galing sa mic ni Jehzeel.
- Tuwing napag-uusapan ang mga ungol na iyon, napaka-defensive ni Jehzeel.
- Gusto lang siyang mapag-tripan ng Usual Suspects.
Aug 7, 2007
Lesson learned
Isang leksyon ang natutunan ko ngayong gabi. Huwag matutulog habang ginugupitan.
Papauwi na sana ako ng mapadaan ako sa pinapagupitan ko ng buhok. Hindi ito kalayuan sa school namin. At dahil medyo magulo ang buhok ko at mahirap ring ayusin dahil medyo humaba na ito ng konti, naisipan ko na lang na magpagupit. Bago na ang mga staff ng pinapagupitan ko. Hindi ko na nakita yung mga taong dating gumugupit sa buhok ko (o dahil siguro late na akong pumasok).
Dahil medyo pagod sa buong araw na klase, hindi ko naiwasang makatulog habang ginugupitan. Isa sa mga weakness ko (in terms of tulog) ay yung buhok ko. Madali akong nakakatulog kapag may humahawak o may humihimas sa buhok ko. O kahit anong gawin mo sa buhok ko hangga't 'di ako nasasaktan, makakatulog ako niyan. Aircon ang lugar, may palabas na news sa TV, pagod sa klase at may gumagalaw sa ulo ko...sinong hindi makakatulog diba?
Kung hindi nga naman mamalasin, sumobra ang gupit mo kuya. Mas maikli yung buhok sa inaasahan ko. Hmp. Nagulat na lang ako nang magising ako at tapos na. Ayoko ng gupit ko. Pakiramdam ko, para akong batang naubusan ng gel. Ayoko rin namang mag-gel kasi kinakain nito ang oras ko at ayoko ring may malagkit na nakalagay sa buhok ko. Ayoko rin ng hindi nagagalaw ang buhok ko kasi may habit akong mag-brush ng buhok gamit ang kanang kamay kapag wala akong ginagawa kaya hindi uubra ang gel sa akin.
Kaya sa susunod na magpapagupit kayo, wag kayong pumunta ng late para hindi kayo antukin sa pagod. At 'wag na 'wag matutulog habang ginugupitan kung ayaw n'yong mapagtripan ni kuyang manggugupit.
Aug 6, 2007
Blogging sa Chowking
Free WiFi kahit saan. Isa ito sa maraming dahilan kung bakit gusto ko ang Davao. Kahit saan ka ata pumunta, may makikita kang hotspot na libre. Hindi lang coffee shops at hotels ang may hotspots dito. Pati fast food chains, malls, at school meron din. Kulang na lang pati mga public transport eh magpapa-wifi na rin.
Nasa isang Chowking branch ako dito sa Bolton Street. Habang naghihintay ng order ko, minabuti ko munang mag-login at mag-blog. Natuwa lang ako na kahit sa mga fast food chain na ito, libre ang wifi. Marahil kakaunti pa lang ang mga taong nakakaalam na hotspot ang Chowking dito sa Bolton (alam ko, WiFi rin ang Chowking sa Bajada).
Kayo, may alam pa ba kayong libreng hotspot dito sa Davao? Ngayong taon lang na ito, ni-launch namin ang Davao HotSpots dot Com kung saan naka-lista ang iba't-ibang WiFi HotSpots dito sa Davao. Kakaunti pa lang ang naipasok ko sa listahan. Hindi ko pa napagtutuunan ng pansin ang pag-update na site. So kung may alam kayong hotspot na wala pa sa listahan ko, magcomment na. Hehehehe.
Aug 5, 2007
Little Chef
Isa na naman ito sa mga pagkakataong wala akong mahilang tao para yayaing sumamang magsine. Kaya wala akong choice kundi manood ng sine ng mag-isa. At dahil may malapit na mall sa amin, pinili kong dito na lang panoorin ang Ratatouille.
Not anyone can become a great artist but a great artist can come from anyone.Yan yung paboritong linya ko. Hindi ko ugali ang magmemorize ng mga movie lines (hindi kagaya ni Jehzeel na nagmememorize habang nanonood) pero pakiramdam ko kailangan kong i-note ang linyang yan. Oo nga naman, lahat naman tayo ay nabibigyan ng pagkakataong maging "great". Nasa atin na yun kung pano natin haharapin ang ating buhay. Ang pagiging dakila ay walang pinipiling tao. Tao mismo ang pipili kung nanaisin niyang maging dakila o hindi.
Fan pa rin ako ng mga Pixar movies. Halos lahat ata ng Pixar movies ay inabangan at pinanood ko. Hindi lang sila magaling sa graphics, maging sa story rin. Read More......
MBS1: [edit]Sasali ako![/edit]
Ang post na ito ay para sa gagawing Mindanao Bloggers Summit (MBS1) ngayong October 27 sa NCCC Mall, Davao City kung saan sigurado akong pupunta. Eto ang pangalawang blogger gathering na gaganapin dito sa Davao. Hindi ako nakasali sa unang gathering kasi may mas importante akong nilakad. Kaya naman, sa pagkakataong ito, sisiguraduhin ko talagang makakapunta ako. hehehehe...
Maraming salamat nga pala sa mga taong nag-sponsor para sa gagawing event.
- Join the DigitalFilipino.com Club!
- BisayaBloggers.com
- Davao’s Food Huntress
- NoKiAHOST.COM P5/day webhosting
- Globe Broadband
- Web Design Philippines
- Lane Systems
- Snap Graphic & Sign
- Eric Clark Su
- Orange County Real Estate
- Web Developer Philippines
- Act for Peace Programme
Aug 4, 2007
Bob Ong would love these
Isang barber shop sa SM Baguio
Nokia Cellphone Shop sa SM City Davao
Pritong Manok sa SM City Davao na nagsara kasi lumipat sa bagong location.
Isang 24-hours open na Internet Shop na sarado kung gabi.
Enchanted Kalasagers
Pakiramdam ko, matagal akong nawala sa blogging. Andami ko kasing pinaggagawa nitong mga nakaraang araw. May mga exam din akong tinapos pagbalik namin mula sa biyahe. Yung mga exams na hindi natapos noong Exam week.
San nga ba ako pumunta? Hmm...
Noong Thursday, kinailangan kong bumiyahe mula Davao papuntang Maynila. May seminar sa printing press kaming pinuntahan. Kaso, nagkaroon ng aberya dito sa Davao kaya kinailangan ko munang magpahuli. Nauna na ang mga kasama kong kalasagers noong Wednesday sa Manila. Noon Biyernes, kumakyat kami ng Baguio kasama ang dalawang taga-C&P. Eto yung pangalawang beses kong umakyat ng Baguio sa taong ito. Unang beses kong naranasan ang makakita ng hale noong paalis pa lang kami ng PMA. Medyo malakas ang ulan at nasa bundok kami. Nagtaka na lang kami ng mapansing medyo malakas na ang tama ng ulan sa bubong ng sinasakyan namin van. Yun pala, yelo na ang tumatama sa aming sasakyan. Kahit na di namin gaanong nakikita ang mga butil ng yelo, ok pa rin kasi alam naming yelo ang tumatama sa amin.
Pumunta rin kami ng Enchanted Kingdom. Pangatlong beses ko ngayong taon na ito ang huling dalaw ko sa EK. Masaya kasi hindi na ako natakot sa Log Jam at Space Shuttle. Sa wakas, sumakay rin ako kahit na alam kong nanginginig ang mga tuhod ko noong papasakay pa lamang kami. Medyo nahilo nga lang ako pagkatapos ng ilang ikot sa Space Shuttle.
Salamat
Sa mga estudyante sa elementarya
Sa pagdiriwang nila
Ng Buwan ng Wika
Kaya ako'y
Magsusulat sa wikang Filipino
Kahit na ito'y
Hindi ko kabisado.
Eto na naman po ako at walang magawa. Ala-una na ng umaga at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog kahit na pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Kaya naman, sasamantalahin ko na lang ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang mga bumati sa akin sa araw ng aking kaarawan.
Kay Ate Coisey na siyang unang bumati sa akin. Tinext niya ako habang ako ay nasa ere at sumasakay sa Flying Fiesta sa Enchanted Kingdom. Sa mga Kalasagers na nagbigay ng surprise. (hindi gaanong surprise kasi nakita ko si ate ina na may dalang cake). Sa mga kaibigan sa kolehiyo at mga kaklase ko noong high school na hindi nakalimot (at addict sa friendster dahil nakita nila sa friendster ang birthday ko) sa araw ng aking kaarawan. Sa mga bumati sa friendster at multiply, maraming salamat po. Sa mga bloggers na dumaan sa aking blog at bumati sa akin, maraming salamat sa inyo.
Maraming salamat po sa inyong lahat! Read More......
Latest PRC Board Exam Results
- August 2007 Licensure Examination for Teachers Results
- December 2007 Nursing Board Exam Results (NLE)
- November 2007 Chemical Engineering Board Exam Results
- November 2007 Civil Engineering Board Exam Results
- November 2007 Electronics Engineer Licensure Examination Results
- October 2007 Criminologist Licensure Examination Results