Sep 19, 2007

Ang kwento bago ang Batang Yagit

Noong nakaraang gabi, habang naglalakad ako sa kahabaan ng Ilustre, nakasalubong ko ang dati kong schoolmate, si Ate Divine. Ahead siya ng isang taon sa akin sa high school. Siya ang una kong naging kaibigan sa klase nila. Kung minsan, sabay kaming umuuwi kasi malapit lang naman ang bahay nila sa amin.

Noong mag-college na siya, wala na kaming naging communication. Minsan na lang din kami kung magkita. Kahit text wala rin. Graduate siya ng nursing sa isang sikat na nursing school sa Davao. Lisensyado na rin ito. Kasalukuyan siyang nagrereview para sa NCLEX. Nasabi niya rin na interisado siyang lumabas ng bansa para magtrabaho kaya siya kumukuha ng NCLEX.

Noong high school kami, bininyagan niya ako ng palayaw na "Fetus". Ito ang naging pseudo ko sa mga kaibigan at kakilala lalong lalo na sa mga ka-batch ni Ate Divine. Nagsimula ito noong high school kami. Science camp noon, facilitator ako. Ako ang pinakabata sa mga facilitator. Nasa 2nd year ata ako noon. Maliit pa at patpatin. Dahil hindi sanay sa mga puyatan na ginagawa ng mga facilitator, nakatulog ako sa railings ng gym namin. Natuwa si Ate Divine dahil sa posisyon ko habang ako ay natutulog. Para raw akong fetus. Kaya doon nagsimula ang palayaw kong fetus.

Sa ngayon, wala nang tumatawag sa akin ng Fetus. Si Milsy, na classmate ko ngayon at classmate ko noong hayskul, na lang ata ang tanging nagpapaalala na minsan akong tinawag na "Fetus" sa aking buhay.








» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter

Batang Yagit

1 comment:

Jehzeel Laurente said...

wow.. ang drama naman ng post na to...


"Maalala mo kaya... ang tawag mo sa akin.. noong akong fetus pa lamang.. blah blah blah...."

heheheheheh.. ^_^

Myspace Map


Related articles



Widget by Hoctro