Sep 9, 2007

Saksakan na (chismis ito)

Ilang araw lang akong nawala sa school, anadami nang nangyari. Exciting talaga tong year na to. Pagkatapos magkaroon ng wanted na mga studyante, eto totohanang wanted na.

Isang 17-taong gulang na estudyante ang sinaksak ng kapwa studyante sa loob ng school namin. Alitan sa pag-ibig ang naging dahilan kung bakit nangyari ang saksakang ito. Sinugod ng mag-nobyo (ang biktima) ang isang babae (ang sumaksak at fling ng lalaki) sa kanilang classroom. Ayon sa mga sabi-sabi, si fling ay pinagseselosan ng biktima dahil sa malimit nitong pagtetext kay lalaki. Itinanggi ito ni lalaki. Ang sabi ni lalaki, si fling ang naghahabol sa kanya (hindi kagwapuhan si lalaki). Nung magkaharapan na, ayon sa nakakita, nagsabunutan raw ang dalawang babae sa loob ng classroom. Sa halip na awatin ito ng lalaki, sinuntok at binanatan niya ang kanyang fling. Ito ang nag-udyok kay fling upang kumuha ng swiss knife at isinaksak niya ito sa biktima. Natigil ang kaguluhan nang dumating sa eksena si Kuya Manong Gard.

Ang mga pinagsasabi ko sa itaas ay pawang sabi-sabi lamang. Kung gusto ninyo ng mas-reliable source, check ninyo sa Sunstar.

Eto pa isang related na post galing sa kaibigan kong nawiwindang.









» Subscribe to Batang Yagit's Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter

Batang Yagit

2 comments:

Jehzeel Laurente said...

hahahaa grabe away na yan aH!! pag ibig talaga oo... hehehe

Allen said...

hehe parang newscaster ka kung magsulat ah.. magaling. :D

Related articles



Widget by Hoctro